Chapter 31

54 4 0
                                    

From: Lou

Punta kayo sa bahay bukas. Pag-usapan na natin gagawin natin sa BOTB.

Yan ang text na bumungad sa akin pagkagising ko pa lang. Tinignan ko ang oras ng text at nakitang sinend niya yun kagabi, so ang 'bukas' na sinasabi niya ay ngayon.

Napangiti ako dahil makikita ko siya ngayon. Okay yun! Pambawi sa kahapon na hindi ko siya nakita buong araw.

Kahit isang araw lang yun ay para na akong buang kakaisip kung ano nang ginagawa niya o kaya nasaan na siya.

Tinignan ko kung may iba pa ba siyang messages. At meron pa nga. Hindi lang isa kundi lima.

From: Lou

Don? Bakit hindi ka nagrereply? Galit ka ba?

Ay bakit ka magagalit? Wala naman akong nagawa? Hindi lang naman kita nasabayan ngayon so alam ko hindi ka galit.

Kakauwi lang namin. Ang dami naming ginawa at pinuntahan ngayon. Nakakapagod. Pero ayos lang. Para naman sa aming lahat yun eh. Pumunta kaming ospital para magkaroon ng annual check up sa aming buong family dahil nirequire ng family doctor namin.

Marami pa akong gustong ikwento sayo pero next time na lang. Mukhang deds ka na eh. Charot.

Tulog ka na? Agad agad? Hahahaha sabagay mabuti yan para hindi ka na magkasakit. Goodnight Don! See you bukas!

Natatawa ako dahil tinadtad niya ako ng text. Halatang marami pa siyang gustong sabihin pero dahil alam niyang walang sasagot sa kanya ay tumigil na lang siya. Reply-an ko na nga.

To: Lou

Good morning, Louielie Aurora! Hope you have a great day!

Korni ng bati. Hahahaha de joke lang. Pasensiya na at maaga akong natulog kagabi dahil wala naman akong kausap. Ayoko naman istorbohin ka sa lakad niyo kaya chill lang ako dito.

Agahan ko na lang yung punta sa inyo para makwento mo pa yung nangyari sayo kahapon. Sasabihan ko na din sila Jin. See you!

Pagkasend ko non ay umalis na ako sa kama at niligpit ang hinigaan ko. Pumunta ako sa banyo at naghilamos at nagtoothbrush.

Bumaba na ako at pumunta ng kusina. Nadatnan kong nandoon si Mommy at naghahanda ng pagkain namin.

"Good morning, Mommy." Bati ko at hinalikan siya sa noo.

"Good morning, Baby. Ang aga mo ah." Balik na bati ni Mommy sa akin.

"Maaga po kasi ako natulog kagabi kaya maaga ako nagising."

"Hmm. Dahil wala kang kapuyatan, ano?" May mapang asar na ngiti si Mommy sa labi niya kaya alam ko na ang ibig sabihin nun. Aasarin niya na naman ako.

"Kailan ba ako nagkaroon ng kapuyatan?"

"Hindi kayo nagpupuyatan ni Louielie?"

"Pareho kaming bawal magpuyat, Mommy. Kaya walang late night talks na nangyayari sa amin."

Nabanggit sa akin ni Lou dati na bawal siyang magpuyat dahil iniingatan yung mata niyang huwag ma-strain. Hindi niya din daw alam kung bakit pero yun din naman daw yung dahilan kaya malinaw pa yung mata niya ngayon.

Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon