Chapter 4

142 5 0
                                        

"Umalis ka na sa pamamahay na ito, Jen!"

"No... Ayokong umalis.. Please, Hon.. Huwag mo akong paalisin.. Hindi ko kayang malayo sa inyo ni Donnie... Huwag, please.."

"Umalis ka na!"

"No!"

"Donnie! Anak! Gumising ka, please! Donnie! Don't make Mommy worry... Please, wake up, baby... Nag-aalala si Mommy sayo..."

Naririnig ko ang boses ni Mommy na parang umiiyak.

Bakit ka umiiyak, 'mmy? Ayokong nakikita o naririnig kang umiiyak. Ayoko nang marinig.

Onti-onti kong minulat yung mata at sumalubong sa akin ang mukha ni Mommy na nag-aalala at umiiyak. Nakaupo siya sa gilid ng kama ko at 'yung itsura niya ay parang ginigising ako.

Napabangon agad ako nang makita ko siyang umiiyak.

"M-mommy... Why are you cryung? May n-nangyari ba?" nag-aalala kong tanong sa kanya at hindi alintana ang antok na nararamdaman ko pa.

Agad naman akong niyakap ni Mommy at patuloy siyang umiyak sa balikat ko. Hindi ko man naiintindihan kung bakit ngunit niyakap ko din siya.

Habang pinapakalma ko siya ay naramdaman ko din basa 'yung pisngi ko. Alam kong hindi galing sa luha ni Mommy 'yung basa sa pisngi ko dahil nararamdaman ko din basa pa din 'yung mata ko.

Umiyak ba ako?

"Ssh.. Mommy, stop crying. You know how I hate to see you crying. Please, don't cry. Nag-aalala ako." alo ko kay Mommy.

Kumawala naman siya sa yakap ko at tinignan ako sa mukha. Pagkatapos ay hinawakan niya 'yung mukha ko at may pinunasan sa pisngi ko.

Luha?

"I'm worried, Donnie!" sagot niya sa akin "Pinuntahan kita dito sa kwarto mo para gisingin ka dahil papasok ka pa. Then, I saw you thrashing around your bed, it seems like you're having a nightmare. Kanina pa kita ginigising pero umiiyak ka lang kaya nag-aalala ako sayo at baka hindi ka na bumalik sa akin. Natatakot ako, Donnie. Ikaw na lang ang meron ako ngayon at ayaw kong mawala ka." dagdag niya pang sabi sa akin. Ramdam na ramdam ko talagang nag-aalala siya dahil sa nangyari sa akin.

Ang galing, Donito. Pinaiyak mo 'yung babaeng mahal mo. Slow clap for you.

"I-i'm sorry, Mommy. Hindi ko alam." sagot ko sa kanya at yumuko dahil nahihiya ako dahil pinag-alala ko siya.

"Are having nightmares again? Ngayon lang ba ito nangyari? O matagal na? Gusto mo ba, tumabi ka ulit sa akin kapag matutulog?" nandun pa rin ang pag aalala sa boses niya habang pinapaulanan pa rin ako ng mga tanong.

Umiling ako. "Ngayon lang po ulit ito, 'mmy. Siguro hindi na naman uulit. Hindi ko naman na kailangan tumabi ulit sa inyo."

"Hmm. Sige. Kung ayaw mong tumabi sa akin, ako na lang tatabi sayo."

I look flatly at Mom. "Gano'n din 'yun, Ma. Niloloko mo ba ako?"

Tumawa naman siya ng mahina. Mabuti naman, okay na siya at kumalma na kahit papaano.

"Binibiro lang kita. Syempre, kailangan mo na din ng privacy. Nagbibinata ka na eh. Malay ko ba kung may ginagawa ka bago matulog. " sabi niya sa akin sabay kindat.

Nanlaki naman yung mata ko dahil sa sinabi niya at nararamdaman ko ding umiinit yung mukha ko. Shemay! Hindi ako makapaniwala sa sinabi ng nanay ko!

Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon