A/N: ETO NA!!! HANEP TONG CHAPTER NA TO! PINASAKIT YUNG ULO AT DAMDAMIN KO (not because of scenes but because of its kaartehan. Sisira-sira eh) MASYADONG DESISYON SA BUHAY, ANG WALA! HAHAHAHA
Anyway, as what I've said earlier, hidni ito ang orig, pero same ng eksena, dialogue lang naiba hahaha
Enjoy reading!
----
Pagkagising ko pa lang ay napahawak kaagad ako sa ulo ko dahil parang binibiyak yun sa sakit!
Ayoko na talaga! Hindi na talaga ako uulit!
Nagpagulong-gulong ako sa kama ko habang hawak yung ulo ko. Hindi pa ako nakakadilat pero ramdam ko nang parang gising na gising yung diwa ko.
Iikot pa sana ako pa-kanan pero may naramdaman akong tao sa tabi ko. Hindi si Julia yun dahil kung siya nga yun ay gigising akong nakayakap siya sa akin. Kaya naman ay onti-onti kong idinilat ang mata ko at nilingon yung tao sa tabi ko.
Onti-onting nanlaki yung mata ko kasabay ng pag-awang ng bibig ko nung makita ko kung sino yung katabi ko sa kama.
Si Louielie!
Mapayapa siyang natutulog. Nakaharap siya sa akin at bahagyang naka-awang ang bibig niya.
Inalala ko yung pangyayari kagabi at kung paano kaming napunta sa ganitong sitwasyon na magkatabi kami sa kama sa kwarto ko. Ang huli ko na lang naalala ay nasa bar kami at nakayakap ako sa kanya habang umiiyak.
Peste! Umiyak ako?! Putakte!
Mariin akong napapikit at napahampas sa noo ko nung maalala ko yung mga pinag-gagagawa at pinag-sasasabi ko kay Louielie bago ako makatulog.
Putakte! Nakakahiya! Hindi na talaga ako maglalasing!
"Ang bobo mo, Donnie." Mahina kong saway sa sarili ko.
Base sa memorya ko kagabi, bago ako nakatulog ay nakayakap din sa akin si Louielie at may sinabi siya.
"I love you."
Nahinto yung hininga ko nung maalala ko yun. Sa buong araw, tatlong beses niyang sinabi yun.
Totoo ba? So hindi siya nagbibiro? Mahal niya pa din ako?
Inalala ko pa yung nangyari kagabi pagkatapos nung pero wala na akong maalala, siguro dahil sa kalasingan.
Maraming tanong ang nasa isip ko. Paano kami nakauwi? Sinong naghatid sa akin sa bahay? Bakit nandito si Louielie sa bahay at bakit nandito siya sa kwarto ko?
Nanlaki yung mata ko nung may sumagi sa isip ko. Wala akong maalala pero baka may mga nangyaring hindi maganda noong mga panahon na yun!
M-may nangyari ba? Sa amin?
Dahan-dahan akong lumingon sa kanya at tinignan kung may suot ba siyang damit o kung meron bang patunay na may nangyaring ganun.
Nakita kong naka-t-shirt siya sa pang taas. Nakahinga ako ng maluwag kahit papaano dahil don pero hindi pa din ako kampante kaya onti-onti akong sumilip sa ilalim ng kumot. Tuluyan akong nakahinga ng maluwag noong makita kong nakapajama siya. Kay Mommy yung suot niya.
Pero bakit nga siya nandito natulog sa kwarto ko? Maraming guest room dito sa bahay! Alam ba to nila Mommy at Daddy?
Lalong sumasakit yung ulo ko kakaisip ng nangyari kagabi! Ayoko na talaga! Hindi ko na uulitin to!
Tama nga si Phil, pagsisisihan ko talaga to!
Lagi namang ganito ang nangyayari sa akin kapag sobrang nalalasing. Pagsisisihan ko kapag nagkaroon ako ng hangover pero uulit naman ako. Parang tanga lang.
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
RomansaAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...
