Chapter 5

128 4 0
                                    

Hindi man nakita ni Jin, pero pinicturan ko 'yung pinagsulatan niya Louielie.

For future purposes.

Pagkatapos kong picturan ay ibinalik ko na 'yung notebook sa kanya. Napalingon naman siya sa akin at parang nagtaka.

"Kinuha mo 'yung number?"

Umiling ako sa kanya atsaka pa-simpleng tinago yung phone ko.

"Bakit?"

Kinunutan ko siya ng noo "Bakit ko kukunin?"

"Really, Donnie?" nahihiwagaan niyang tanong.

"Why? Kukunin ko 'yun sa kanya mismo ng personal kung gusto ko o kailangan ko. Mamaya, magtaka siya na kinuha ko agad yung number niya eh." dahilan ko.

Good job, Donito! Ang galing mo magsinungaling.

"Hmm. Sabagay. Pero kung kailangan mo, hingiin mo lang sa akin."

"Sure. Thanks."

Makalipas ng ilang minuto ay pumasok na 'yung pinaka inaayawan naming teacher. Hays.

Bago pa makapagsalita si Ma'am El Fili, 'di niya tunay na pangalan at feeling ko ayaw ko nang alamin pero joke lang, ay nakita kong tumayo si Louielie at may inabot sa teacher na papel na nakatupi.

Nakatingin lang si Maam sa papel na inaabot niya at nagtanong "Ano 'yan? Anong gagawin ko dyan?"

"Excuse letter po, Maam. Tatlong araw po kasi akong absent." sabi niya at parang walang takot na mahihimigan sa boses niya, na parang hindi siya tinanong ng pabalang.

"Bakit ka absent? Unang linggo ng klase, may tatlong araw ka na kaagad na absent? Alam mo bang isa sa mga patakaran ko dito sa klase ko ang iwasan ang pagliban sa klase dahil marami kang mamimiss na aralin?"

"Hindi ko po alam, Maam. Ngayon lang po ako pumasok eh."

Nanlaki naman 'yung mata ko at namilog ang bibig. Grabe! Wala bang takot 'tong babae na 'to? Hindi man lang siya natitinag na napapagalitan na siya?

Pero may punto naman siya eh. Ngayon lang naman talaga siya pumasok kaya wala siyang alam sa rules. Bukod don, transferee pa siya.

"At saka po Maam. Kaya po ako lumiban sa klase ay may sakit po ako. Kung nagagalit po kayo na hindi ako pumasok dahil do'n, hahayaan niyo po bang ma-stress kayo dahil lulugo-lugo ako dito sa klase?" dagdag pa ni Louielie.

Ramdam ko 'yung tensyon sa buong klase dahil sa pagsagot niya. Gusto ko siyang palakpakan dahil do'n pero ako na lang 'yung nag-aalala sa kanya baka ma-office siya.

Ang tahimik ng klase dahil sa sagutan na naganap. Akala mo may kuliglig kaya naman tumikhim na lang 'yung teacher namin at kinuha 'yung letter na binibigay ni Louielie.

"Sige. Makakaupo ka na."

"Salamat po." nginitian niya naman si Maam at tumalikod na. Inismidan na lang siya ni Maam at hinanda 'yung libro.

Habang bumabalik si Louielie sa upuan niya ay napadako ang tingin niya sa akin at ngumiti na naman siya sa akin. Nginitian ko ulit siya.

Bakit ba siya ngiti ng ngiti sa akin? Hindi ko tuloy maintindihan 'yung sistema ko.

Nagturo na si Maam El Fili sa amin kaya naman tumino na kami. Sinigurado kong hindi ako aantok antok at pipikit-pikit kahit nararamdaman ko nang humahapdi 'yung mata ko gawa ng pag-iyak ko kanina.

"Tencio." pagtawag ni Maam kay Louielie.

Uh-oh.

"Ano po 'yun?" sagot naman niya.

Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon