Chapter 95

54 5 0
                                    

"Hello, Tito? Nandito na po ako sa airport."

"Okay. I'm here outside."

Pagkalapag na pagkalapag pa lang ng eroplano na sinakyan ko papuntang U.S. ay kaagad kong tinawagan si Tito Louis na nandito na ako sa airport dahil siya ang magsusundo sa akin.

It's already 5 in the morning and I kind of feel exhausted. Nakakapagod kahit nakasakay lang ako sa eroplano dahil direct flight ang kinuha ko.

Noong malaman ko na may 2 weeks kaming bakasyon ay kaagad akong nagpaalam kila Mommy at Daddy na pupunta ako kay Lou. Pumayag naman sila kaagad. Wala akong naging problema kay Mommy at Daddy. Pero kay Julia, meron.

I can still remember my conversation with Julia noong sa kanya ako nagsabi na aalis ako.

"Why are you leaving?" Nakanguso niyang sabi.

"Pupuntahan ko si Ate Louielie mo sa ibang bansa." Sagot ko sa kanya.

"Why is she there, anyway? Did she left you?"

Umupo ako sa kama niya at tumabi sa kanya. "No, she didn't. She just went there to have a treatment." Paliwanag ko.

"Treatment? Diba po, kapag sinabing treatment, ibig sabihin po ay may iti-treat? Is Ate Louielie sick?" Inosente niyang tanong.

Tipid ako ngumiti. "Yes. Ate Louielie is sick. Kaya pupuntahan ko siya doon. She needs me."

Nakita kong parang nag-alala siya. "Is she okay, Kuya?"

"As of now, no. But she will be."

Humawak siya sa braso ko at tumingin sa akin ng nagmamakaawa. "Can I come with you?"

Hindi kaagad ako nakapagsalita at nag-isip ng isasagot. Wala namang masama kung isasama ko siya.

"Ask Mom and Dad. Kapag pumayag sila, isasama kita."

Pagkasabi ko non ay kaagad siyang tumakbo ng kwarto palabas.

I thought that Mom and Dad would allow me to bring Julia here but they didn't. Julia went back to her room that time with teary eyes and pouty lips.

Hanggang sa araw ng pag-alis ko ay sinasabi niya pa din na gusto niyang sumama. But in our family's unspoken rule, a 'yes' is a 'yes' and a 'no' is a 'no'. Julia knows that dahil siya ang dahilan ng rule na yun.

Nabalik sa reyalidad yung isip ko noong makalabas ako ng airport at agad na hinanap ng mata ko kung nasaan si Tito Louis. Agad ko siya nakita at lumapit ako sa kanya.

"Donnie! Kamusta ka, Anak?" Tito Louis gave me a man hug.

"Doing good, Tito." Sagot ko sa kanya.

"Let's go? Sa byahe na tayo mag-usap. Para makapagpahinga ka kaagad pag-uwi sa bahay."

Tinulungan ako ni Tito Louis na ilagay yung gamit ko sa back compartment ng sasakyan na dala niya. Sumakay na din kami sa sasakyan at nagkwentuhan habang nasa byahe.

When I texted Tito Louis that I'll go to U.S., he suggested that I should stay in their house here. Para na rin daw hindi ko na kailangan magbook pa ng hotel dahil panigurado namang hindi ako mananatili dun at kay Louielie lang ang lahat ng oras ko, parang lalagyan ko lang daw ng gamit yung hotel room, which is true, kaya pumayag na din ako.

Hindi alam ni Louielie na pupuntahan ko siya. Buong araw ko na din siyang hindi tinatawagan at kinakausap, para may effect yung surprise. Pero may part sa akin na gusto ko na siyang tawagan habang nasa airport pa ako sa Pilipinas dahil naisip ko na baka nag-aalala siya sa akin.

"Kamusta po si Louielie, Tito?" Tanong ko kay Tito Louis.

"She's fine. Just conditioning her body. Pero kahit alam kong okay siya, may part sa kanyang kinakabahan siya." Huminto sa pagsasalita si Tito Louis at sumulyap saglit sa akin. "And I know, she misses you a lot."

Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon