Matapos ng pagrerecord namin ngayong araw na ito ay nagkayayaan na kaagad kaming umuwi dahil pare-pareho kaming pagod. Alas-otso na nung matapos kami. Talagang minamadali na namin para magkaroon na talaga kami totoong bakasyon bago na naman magkaroon ng madugong schedule. Next month nga ay may pa-isa-isa na kaming guestings eh, kaya hangga't may oras kami para magawa yung kailangan namin gawin ay sinusulit na namin.
"May tanong pala ako, Lianne." Narinig kong sabi ni Louielie noong nasa elevator kami pababa sa basement parking.
"Ano?" Sagot ni Lianne.
"Hindi ba, kapag celebrity, hindi pwedeng magkaroon ng relationship? Bakit si Jay at Donnie, pinayagan mo? Diba, yung manager pa nga yung nagbabawal?"
"Hmm. Kasi yung Marahuyo, hindi naman sila artista na kailangan ng established love team na yung tipong hindi sila pwedeng magkaroon ng relasyon sa iba. Kaya ayos lang yun sa Kingston, as long as na hindi makaka-apekto sa trabaho at image ng artist, pwera na lang kung artista ka ng Kingston, yun ang bawal. May freedom ang mga tao dito pagdating sa love life, sa sobrang kalayaan, sinulit na ni Brian." Sagot ni Lianne.
"Hoy! Ako na naman nakita mo, Lianne!" Sabi ni Brian na bumalik ulit sa pagtingin niya sa phone niya.
"Eh paano kasi, kahit sino na lang every month yung kasama mo." Sabi ni Lianne at tumingin ulit kay Louielie. "Kung inaalala mo na baka magalit yung management dahil kayo na ni Donnie, huwag kang mag-alala, walang magpapahiwalay sa inyo dito."
"Hindi naman ako nag-aalala. Nagtataka lang ako kasi wala akong nababalitaan dito na pinaghihiwalay na artist." Sabi ni Louielie. Humigpit yung hawak niya sa kamay ko at lumapit pa sa akin ng konti na siyang ikinangiti ko.
She's being clingy again. I like that.
"Yung mga artista na hawak ng Kingston, pinipili na lang nila maging single pagkapasok dito kasi paghihiwalayin din naman sila." Lumapit ng onti si Lianne kay Louielie. "May tsaa ako sayo, Sis. Alam mo ba, may mga artist dito na hindi pa alam yung ganung jutsu kaya secret pa din yung iba nilang relationship."
"Oh? Sino?" Tanong ni Louielie.
Magsasalita pa sana si Lianne pero sumabat na si Phil sa usapan nila.
"Hoy. Kayong dalawa dyan. Tsismisan kayo ng tsismisan, kapag may pumasok dito sa elevator at narinig kayo, yari talaga kayo." Saway ni Phil.
"Kwento ko sayo kapag wala na dito si Lolo Philbert." Natatawang sabi ni Lianne kay Louielie. Tinignan naman siya ng masama ni Phil kaya lalo siyang tumawa.
Natawa na din si Louielie kaya napatingin ako sa kanya.
Grabe. Hindi pa din ako makapaniwala na akin na ulit siya. Girlfriend ko na ulit siya at kasama ko na ulit. Hindi man halata sa akin pero walang mapagsidlan ang kasiyahan ko ngayon kaya hindi mawala-wala yung ngiti ko.
Lumingon din sa akin si Louielie at ngumiti ng matamis. Nagthumbs up ako sa kanya upang tanungin kung okay ba siya, tumango siya at isinandal yung ulo sa balikat ko.
Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa basement parking at pumunta na din kami sa kanya kanya naming sasakyan. Usually ay hindi sumasabay sa amin pauwi si Lianne dahil nahuhuli siya o kaya ay sinasabay siya ni Kuya Labrant pauwi pero ngayong kasama namin siya pauwi ay isinabay na siya ni Jin. Hassle sa part ni Jin yun dahil malapit lang ang condo niya dito at taga-North Gate si Lianne, medyo malayo yung byahe niya pero alam ko namang wala lang sa kanya yung gas niya dahil si Lianne naman yun.
Nagpaalam na kami sa isa't isa lahat, kami ni Louielie ang huling umalis. Inaantay muna namin silang makaalis bago kami pumasok sa sasakyan. Noong makaalis na sila ay saka ko pa lang in-unlock yung kotse ko at humarap kay Louielie.
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
RomansaAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...
