It's been almost one week since sinagot ako ni Lou. Actually parang hindi ko masyadong nafeel dahil exams namin at masyado akong nagfocus doon. Lahat naman kami ay ganun ang naging sitwasyon. Para kaming nadala noong first quarter exam na nagpa-easy easy lang kami, ngayon ay todo aral kami. Mahirap pa din naman yung exam pero ang mas maganda doon ay natuto na kami.
Ngayon ay breaktime namin at may dalawa pa kaming exam mamaya. Pagkatapos non ay pwede na kami makahinga ng maluwag. After ng week na ito ay isang buong week na magkukumpleto na lang kami ng mga requirements na hindi namin natapos sa ibang mga subject. Ang alam ko ay hindi magtuturo yung mga teacher non pero need pa din namin pumasok. Pagkatapos non ay semestral break na namin.
Habang nagbabasa basa ng notes ay nakita kong umilaw yung phone ko na nakalapag sa armrest ng upuan ko. Nakita kong nagtext si Jin. Pumunta kasi siya sa clubroom dahil may biglaan meeting.
From: Jin
Usap tayo saglit. Hintayin niyo ako sa room.
Nung mabasa ko yun ay naramdaman kong may umupo sa armrest sa gilid ng upuan ko. Nang iangat ko ang tingin ko ay nakita kong si Lou yun at nakatingin sa phone niya.
"May pa-miting de abanse si Pinuno." Sabi niya sa akin.
"Oo nga." Dahan-dahan ko siyang itinulak paalis sa inuupuan niya saka ako tumayo sa upuan ko. "Dito ka na umupo. Huwag dyan." Iginiya ko siya paupo sa upuan ko at ako na lang ang umupo sa armrest habang naghihintay kay Jin.
"Ang sweet naman." Asar ni Jay.
"Ayan ka na naman. Mang-aasar ka na naman sa kanila." Suway ni Brian. "Ligawan mo na kasi si Lolly nang malabas mo na yang sweetness mo."
Tumawa si Jay bigla at nagsalita. "Wala naman na akong pag-asa sa kanya."
"Huh? Paano mo nasabi? Umamin ka na ba?" Tanong ni Lou.
Umiling si Jay. "Hindi pa. Kasi bago pa ako umamin, inunahan niya na ako eh. Nagkwento agad siya na nanliligaw sa kanya yung isa niyang kaklase. Tuwang tuwa siya kasi gustong gusto niya daw yung lalaking yun kaya pumayag agad siyang magpaligaw."
Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya. Sa pagkukwento niya, parang wala lang sa kanya yung nangyari. Hindi siya mukhang galit, bitter, o nasasaktan. Parang normal lang na nagkwento.
Pare-pareho kaming natahimik sa kwento niya kaya tumawa na lang siya. "Mga loko kayo. Okay lang ako. Wala eh, ganun talaga." Sumandal siya ng maayos sa upuan niya at nakapikit na tumingala. "At least alam kong buhay pa ako. Nakakaramdam ako ng sakit." Mahinang sabi niya.
Nagkatinginan kaming apat dahil sa sinabi niya. Ang buong akala ko ay pareho sila ng nararamdaman ni Lolly. Pero talagang childhood friend lang siguro ang turin ni Lolly sa kanya. Alam ko namang masakit dahil ramdam ko yon noong hindi ko pa alam na ako din ang gusto ni Lou. Pero ngayong talagang nangyari kay Jay, alam kong sobrang sakit nun. Hindi pa namin nasasabi ni Lou na kami. Dapat ay ngayon namin sasabihin pero dahil sa nalaman namin ay baka sabihan ko si Lou mamaya na huwag muna. I don't want to be insensitive because they are nothing but a good friends to me.
Tahimik pa din kami nung dumating si Jin. Natigilan siya nung makita yung itsura namin.
"Bakit parang ang tahimik niyo? May nangyari ba?" Tanong niya.
"Shh. One minute of silence. May namatay na puso. Nagluluksa kami." Sabi ni Brian kaya napaayos ng upo si Jay at agad na binatukan si Brian.
"Bakit? Nabasted ka, Jay?" Pabirong tanong ni Jin.
"Oo." Diretsong sagot ni Jay.
Nakita kong natigilan si Jin. "Pucha akala ko joke lang." Sabi niya. "Anyway," tumingin siya sa amin at nagsalita, "Magkakaroon ng event next Friday pero hindi ganun kalaki. Kumbaga parang mini concert lang dahil magsi-sem break. As usual, kasama ang Music Club pero acoustic session lang. Kaya hindi lahat tayo ay makakatugtog."
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
RomanceAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...