SC: Louielie's POV Part 10

28 3 0
                                        

You are so stupid, Louielie!

Yan lang ang nasa isip ko noong maalala kong naiwan ko yung phone ko kay Julia. Nakita ko pang hawak niya yun nung niyaya siya ni Lianne papunta sa lounge. Dahil hindi na ako pumunta sa lounge at dumiretso ng uwi, hindi na ako nakapagpaalam sa kanya at hindi ko na rin nakuha ang phone ko.

Tinawagan ko yun kanina, nagsisiguradong tama nga ako ng pagkakaalala. I confirmed it when Don answered the phone. Naiwan pala sa bag ni Julia.

After what happened earlier, hindi ko alam kung may lakas ba ako ng loob na makipagkita sa kanya. Nasaktan ako sa sinabi niya pero hindi nun mapapantayan ang sakit ng ginawa ko sa kanya. Kaya pinilit kong maging casual sa pakikipag-usap sa kanya sa phone.

Nahihiya din ako dahil kailangan niya pang pumunta dito sa East Gate para lang ihatid ang phone ko. Napag-alaman ko kay Papa na hindi na sila nakatira dito at bumalik sila sa dati nilang bahay. Sabi sa akin dati ni Don na malayo ang bahay nila dito, mga isang oras ang layo.

Iniisip ko din na baka isipin niyang gumawa lang ako ng dahilan para makipagkita sa kanya.

Duh! Matapos ng nangyari sa amin sa studio, sa tingin niya ba kaya kong makipag-usap ng matino? Hindi ganun kakapal ang mukha ko no.

Siguro bukas, kaya ko na ulit makipag-usap na parang walang nangyari.

Nag-iipon pa ako ng lakas ng loob makipag-usap sa kanya habang nasa tabi ako ng gate at nakasandal nung may makita akong ilaw ng sasakyan kaya lumingon ako doon.

Ever since I came back, ngayon ko lang nakita yung kotse niya at ngayon ko lang din siya nakitang nakakotse. Alam ko namang meron siyang sasakyan dahil susi niya yung kinuha niya sa studio noong kakadating ko pa lang.

Lumapit siya sa akin pagkatapos patayin yung makina ng kotse at lumabas.

I started the conversation para hindi maging awkward. "Hindi na pala kayo dito nakatira."

Hindi niya yata gusto na magkaroon pa kami ng mahabang usapan kaya tumango lang siya at inabot sa akin yung phone ko. "Here."

"Thanks." Tipid lang akong ngumiti para itago yung pagkapahiya.

Naging tahimik kami pareho pagkatapos nun. May gusto akong sabihin kaso sa inakto niya ay parang ayaw niyang marinig yun kaya nag-aalangan ako.

Narinig ko siyang tumikhim. "Ahm. Sige alis na ako."

"Ahh... Ano..."

Bumalik ang tingin niya sa akin. "Hmm?"

For a moment, I felt that he is kinda interested from what I am going to say kaya naglakas na ako ng loob.

"Ahm... Sorry..." I paused. "Sorry about what happened earlier, for not telling what Mark has been doing to me."

Huminga siya ng malalim na parang sumusuko na. "Just... Don't do it again. Hindi naman masamang humingi ng tulong." Huminto siya saglit. "I'm sorry, too... If you're hurt from what I've said earlier."

"That's fine. I deserve it, anyway." Hindi ko napigilan na isiwalat yung nasa isip ko. Pero hinayaan ko na lang kasi mukha namang hindi niya narinig.

Tumitig siya saglit sa akin na parang binabasa ako pero umiwas siya ng tingin na parang napakasakit sa mata ang pagtingin sa akin.

Iisipin ko na lang siguro na dahil sa kulay ng buhok ko.

"Sig-"

Magsasalita na sana siya pero biglang bumukas yung gate at lulan nun si Papa. Sinabi ko sa kanya kung anong ginagawa ko dito sa labas kaya alam ko din kung bakit siya sumunod dito ngayon. Dahil nag-aalala siya.

Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon