"Kaya pala! Kaya pala kaya pala pumayag ka na na hindi mo ako kasabay pumasok at umuwi, Ate. May may kasama ka na pala!" mapang asar na sabi ni Lou habang nakatingin kay Ate Kris at Sir Red.
"Manahimik ka. Umakyat ka na doon sa kwarto mo at magbihis ka na." masungit na sabi ni Ate Kris pero parang hindi kapani-paniwala dahil namumula siya.
"Later na ako mang-aasar." sabi ni Lou. Tumalikod na siya sa kanila at humarap sa akin. "Bihis lang ako." sabi niya sa akin at dumiretso na sa kwarto niya sa taas.
Tumingin ako kay Mommy nang makaakyat si Lou sa taas. "Bakit ka nga pala nandito, Mom?"
"Louis invited us to have dinner here."
Napatango tango naman ako sa sagot ni Mommy.
"Upo ka muna, Donnie." yaya sa akin ni Ate Kris kaya naman ay umupo na ako sa bakanteng pwesto sa sofa sa sala.
"Oh baka may balak ka din manligaw kay Louie, Donnie. Sabihin mo na para isahan na lang pakikipag-usap ko." biglang sabi ni Tito Louis nang makaupo ako, na nagkataong katapat ni Sir Red.
"P-po?" tanging nasabi ko lang dahil hindi ko inaasahan na sasabihin yun ni Tito Louis.
"Hoy Louis. Sasapakin kita. Huwag mong pini-pressure yung anak ko." sa boses pa lang ng pagsabi ni Mommy ay alam mo nang may babala doon na pag sinuway mo ay mayayari ka.
"Malay mo naman diba." sagot ni Tito Louis.
"Huwag mong i-hot seat si Donnie dito. Si Red ang kausapin mo." sabi ni Mommy.
"Okay. Wala na nga akong sinabi eh." sagot ni Tito Louis at bumaling kay Sir Red. "Matagal na ba kayong magkakilala ni Kristal?"
"Yes po. Magkaklase po kami ni Kris noong college."
Napatango tango naman si Tito Louis. Marami pa silang pinag-usapan ngunit hindi na ako masyadong nakinig dahil hindi naman ako kasali sa usapan. Paminsan minsan ay nagiging attentive ako makinig dahil naisip ko ay baka magamit ko yun in te near future. Kung sakaling magpaalam din ako na manligaw kay Lou.
Nagkayayaan na din na dito na din magdinner si Sir Red na hindi niya naman tinanggihan. Isa lang ibig sabihin kung bakit siya niyayang dito na magdinner.
Pinayagan na siya manligaw.
Hindi katulad namin, sila Lou ay may dalawang kasambahay sa kanila kaya naman may nagpreapre ng dinner namin ngayon.
Nang pumunta na kami sa Dining ay agad akong pumwesto sa tabi ni Mommy na katabi ni Lou. Papaupo pa lang ako nang pigilan ako ni Mommy.
"Palit tayo." sabi niya at tumayo na.
Siya ana ang naghila sa akin para magkapalit kami ng upuan nang hindi ako gumalaw.
Ngayon, ang katabi ko na ay si Lou. Ang galing ni Mommy.
Nilagyan ko ng pagkain yung plato ni Lou pero napatigil ako nang parang tumahimik yung paligid.
Tinignan ko yung mga tao sa lamesa at nakita kong nakatingin din sila sa akin.
Doon ko narealize na out of reflex dahil nakasanayan ko na ding gawin yon kapag sabay kaming kumain kapag lunch ay nagawa ko din ngayon sa bahay nila.
Onti onti kong naramdaman ang pamumula ng pisngi ko at napakagat ako sa labi dahil sa hiya habang tinatapos ko yung paglalagay ng pagkain sa pinggan ni Lou at ganun na din sa pinggan ko.
Narinig ko naman tumikhim si Tito Louis kaya napatingin din kami sa kanya. "Ngayon mo sabihin sa aking huwag ko ipressure si Donnie, eh parang hindi naman kailangan i-pressure eh."
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
RomanceAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...