"Huwag ka nang sumimangot. Ngayon ka lang naman aabsent. Parang ngayon mo lang hindi makikita si Donnie eh." Sabi ni Ate habang nasa passengers seat siya at ako naman ay nasa back seat ng kotse ni Daddy.
"Hindi naman yun yung dahilan kung bakit ako nakasimangot." Sagot ko.
"Then what?"
"Physical exam na naman. Nakakaloka. Nakakapagod to eh." Sagot ko at humalukipkip.
"Ay nako. Huwag ka nang magreklamo. Required to kaya kumalma ka dyan." Sabi ni Ate.
Papunta kami ngayon sa ospital kung saan resident ang family doctor namin. Required kaming magkaroon ng annual physical exam ever since nadiagnosed si Mama na meron siyang Retinitis Pigmentosa. Kailangan i-monitor yung condition namin ni Ate dahil baka namana namin yung sakit kay Mama. Para habang maaga pa lang ay magawan na kaagad ng paraan.
Hindi required si Papa dahil wala naman sa lahi nila ang may ganoon pero kasama na din namin siya ngayon para samahan kami at para na din sa kalusugan niya ay nagpapacheck up na din siya.
Okay lang naman sa akin yung ganito kung wala lang talagang maraming proseso at hindi kami papapuntahin sa kung saan-saang floor, kukuhanan ng kung ano-ano like dugo, urine, stool, etc. Nandyan din na ipapasok kami sa ganitong machine, papatapatin kami sa ganung equipments at marami pang iba. Nakakastress.
Kaya naman ay umabsent na lang kami pareho ni Ate dahil buong araw pala to. Ganun din ang ginawa ni Papa.
Nang makarating kami sa ospital ay chineck muna yung mga basic na kailangan before exam like blood pressure, weight, height and current condition. Pagkatapos nun ay kinausap kami nung family doctor namin at binigay yung form ng mga need namin ipa-check. May kasama naman kaming nurse na mag-aassist kaya hindi kami mangangapa.
3pm na noong matapos kami. Hindi pa namin alam yung magiging resulta nung mga check up dahil next 2 weeks pa ata yon.
Dahil nastress si Ate ay nagyaya na lang siya na gumala. Wala na naman kaming gagawin pagkatapos eh. Tatanggi pa sana si Papa pero na-corner na namin siya kaagad.
"Huwag niyo akong gagawing tagabuhat ng mga ipapamili niyo ah." Banta sa amin ni Papa at pumayag naman kami dahil hindi naman talaga yun yung dahilan namin kaya namin siya pinasama.
We know that Papa is not okay sometimes. We know that he misses Mama a lot but he's trying to be okay for us. Kaya gusto namin siyang malibang minsan. Puro trabaho na lang din kasi ang inatupag niya.
Kumain at gumala lang kami sa mall. Nagshopping na din kaming tatlo. Mas maraming napamili si Ate kaysa sa akin dahil hindi naman ako mahilig bumili ng damit. Yung bigay nga sa akin ni Donnie noong gumala kami ay hindi ko pa nasusuot.
Sabi ni Papa ay huwag daw namin siya gawing taga buhat pero everytime na makakapag bayad kami at ibibigay sa amin ng cashier yung paper bag, siya kumukuha non at nagbubuhat kaya natatawa kami sa kanya.
"Rupok ni Papa, no?" Bulong ko kay Ate habang nasa harap namin si Papa at nililibot yung paningin.
"Dyan ka nagmana." Natatawang sabi ni Ate.
"Gago ka, Ate."
"Love you, too."
Naputol lang ang bulungan namin noong tumigil si Papa sa harap ng jewelry store at lumingon sa amin.
"May gusto ba kayong bilhin dito?" Tanong niya.
"Ako po. Bibili na ako ng wedding ring. Malapit na ako ma-crush back eh." Sagot ko at tumawa.
"Hala. Diba, friendzoned ka?" Pangbabasag ni Ate sa sinabi ko.
Napanguso ako bigla dahil tumawa din si Papa. Nakwento ko kasi sa kanila yung 'you're special to me because you're my friend' scene namin ni Don nung nakaraang linggo. Hanggang ngayon, pang-asar na nila yun.

BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
Roman d'amourAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...