Chapter 7

126 3 0
                                        

"Mommy, nandito na ako!" sigaw ko nang makapasok ako sa bahay.

Agad ko naman hinanap si Mommy sa sala pero wala siya doon kaya pumunta ako ng kusina at doon naabutan ko siyang nagluluto ng kung ano.

Hindi pa siya napapalingon sa akin kaya tinitigan ko muna siya.

Hindi ko lubos maisip kung bakit ginawa sa amin ng Papa ko 'yun gayong wala ka namang mahihiling pa na makamit kapag kasama mo si Mommy.

Maalaga, mapagmahal, kahit strikto minsan ay mabait naman, laging naka-support sa gusto kong gawin.

Bakit kami pinalayas at iniwan ni Daddy?

Hindi sinasabi sa akin ni Mom kung anong dahilan basta ang alam ko lang ay nung pinalayas niya kami sa bahay namin dati anim na taon na ang nakakalipas ay gabi-gabing umiiyak si Mommy at halos araw-araw siyang hindi kumakain.

I've found out last year from my auntie that she suffered a severe depression for one year. Kaya naman pala ay kinuha muna ako ng mga tita ko nung 11 years old ako. Ang sabi nila sa akin noon ay magtatrabaho daw muna si Mommy.

Kaya naman takot na akong masaktan at makita siyang umiyak dahil baka ma-trigger na naman 'yung nararamdaman niya. Hindi pa ganoon katagal simula noong makarecover siya.

At nabuo din sa akin 'yung takot na makaramdam ng pag-ibig romantically dahil baka hindi ko din kayanin kapag nasaktan ako at naiwan.

Alam ko sa sarili ko na hindi ko gagawin kung ano man 'yung ginawa sa amin ng Daddy ko pero wala akong kasiguraduhan sa taong mamahalin ko.

But what is Love without pain, right? Kaya hangga't kaya kong umiwas ay iiwas ako.

Kaso mukhang malabong mangyari na iyon. Kasi bago pa ako makaiwas, na-hook na agad ako. Ang gagawin ko na lang papatagin yung loob ko na manatili sa kung nasaan ako ngayon.

"Tatayo ka na lang ba dyan o hindi ka kakain?"

Napukaw ang pag-iisip ko nang marinig ko 'yung boses ni Mommy. Nakatulala na lang pala ako.

Ngumiti ako sa kanya at lumapit. Humalik ako sa pisngi niya at niyakap siya. "Anong niluto mo, Ma?" sabi ko ng bumitaw na ako sa yakap sa kanya.

Simpleng change topic para hindi tanungin. Hehe.

"Spaghetti yan. Napagtripan ko lang magluto niyan dahil alam ko panigurado gutom ka pag-uwi. Medyo marami nga eh pero alam ko naman na kapag araw bago ang performance niyo ay puspusan kayo magpractice kaya alam kong kailangan mo ng energy."

Lumawak naman ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. Kilalang kilala talaga ako ni Mommy.

Kumain na kami at gaya ng nakagawian ay nagkukwentuhan kami ng mga nangyari sa araw namin.

"Babalik na ako sa trabaho next week at panigurado ay gagabihin ako dahil mahigit isang buwan akong nawala. Panigurado maraming nakatambak na gawain dun. Kaya mo na ba dito mag-isa kapag late ako uuwi?" sabi ni Mommy nang tapos na kami kumain at nagliligpit na lang.

"Oo naman, 'mmy. Kaya ko na dito. Ako pa ba? Strong 'to." sabi ko at nagflex pa ng braso.

"Sus. Strong daw. Eh, kapag mag-isa ka lang naman dito, pumupunta ka doon kila Phil kasi sabi mo daw ay may nararamdaman kang weird 'pag nandito ka." sabi ni Mommy at tumatawa pa.

Napatahimik naman ako kasi totoo. May pagkakataon kasi na ang wirdo sa pakiramdam ng bahay lalo na kapag mag isa ako pero hindi 'yung pakiramdam ko may multo.

Parang ang lungkot lang kasi. At ayaw ko no'n.

"Oh, kita mo! Strong daw pero takot sa multo!"

Hanep talaga to si Mommy kapag nasa mood eh. Grabe mang-asar.

Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon