Ngayong araw ay Graduation Ball namin. Hindi naman ako masyadong naghanda dahil handa na naman ang damit ko. Formal ang event na yun kaya kailangan ay suit ang suot ng mga lalaki at ball gown naman sa mga babae.
Sa event na ito, hindi kikilos sa event ang mga 4th year students dahil para sa amin ang event na ito. Magmula sa organizers, sa personnel at performers, lahat mga lower years ang tatao doon
Naattend na din naman kami last year dito dahil tumugtog kami noon. Pero hindi kami nagparticipate. At ilang kanta lang din ang tinutugtog namin non. Pero ngayon kami na yung attendee, parang nakakaexcite at the same time nakakatuwa dahil wala kaming gagawin. Mag-eenjoy lang kami lahat.
Alas sais ang simula ng event hanggang alas onse ng gabi. Hindi kami aabot ng madaling araw dahil na din sa ibang magulang na hindi pumayag. Yung mismong event nga na ito ay pahirapan pang ma-approve sa mismong principal, paano pa kaya sa mga magulang.
Alas dose na ng tanghali at nandito lang ako nakatambay sa kwarto ko nang tumunog yung cellphone ko hudyat na may tumatawag. Tinignan ko iyon at nakitang si Lou ang tumatawag kaya agad kong sinagot.
"Hello, My Love." Bati ko sa kanya nang sagutin ko yung tawag.
"Hi, My Love." Malambing na sabi niya kaya naman ay napangiti ako.
"Ano ginagawa mo ngayon? Akala ko mag-aayos ka na?" Tanong ko sa kanya.
"Nakakaboring dito sa salon. Pwede naman kasing sa bahay na lang kami mag-ayos. Pa-salon salon pa to si Ate." Sabi niya at nahihimigan ko sa boses niyang nakanguso siya.
Tumawa ako saglit bago siya sinagot. "Minsan lang naman yan. Pagbigyan mo na si Ate Kris."
"Inaantok nga ako eh. Kakainom ko lang kasi ng gamot." Sabi niya at naghikab pa.
Napakunot yung noo ko sa sinabi niya. "Gamot? Bakit? May sakit ka ba? Kaya mo bang umattend? Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Sunod sunod kong tanong pero narinig ko siyang tumawa.
"Chill, My Love. Vitamins ang ininom ko. Wala akong sakit." Sagot niya.
"May inaantok ba sa vitamins?" Mahina kong tanong pero narinig niya.
"Oo. Ako." Sabi niya at tumawa na na naman.
Napailing iling na lang ako dahul parang ang saya saya niya. Hindi ko na puputulin kung ganun yung nararamdaman niya. Kahit mababaw lang yun.
"Ah, by the way, isasabay pala ako ni Ate mamaya sa pagpunta sa school. Baka doon na lang tayo magkita."
Napanguso naman ako at napaisip. "Okay. Basta kapag pauwi, sabay na tayo."
"Sure. Sabihan ko si Ate."
"Okay. See you later. I love you." Paalam ko.
"I love you more. Ba-bye. Ibaba ko na to. Aayusan na ako."
"Okay. Ba-bye."
Dahil mahaba pa naman ang oras ay bumaba muna ako sa sala para maghanap ng mapaglilibangan pampalipas oras. Nang makarating ako sa sala ay naabutan kong nandoon si Mommy at Daddy. Nakahiga si Daddy sa hita ni Mommy habang hinaplos yung ulo niya.
Hindi maiwasang mapailing sa itsura nilang dalawa. Natatawa ako minsan kay Daddy kapag gustong magpalambing kay Mommy. Akala mo teenager. Ganun din naman si Mommy pero nung tumuntong na sa 2nd trimester ng pagbubuntis si Mommy ay naging mainitin ang ulo niya lalo na kay Daddy kaya naiintindihan ko din si Daddy kapag nasa mood si Mommy manlambing ay sinusulit niya na. Gaya ngayon.
Pumunta ako sa sala pero sa single sofa ako umupo. Nung maramdaman nilang nandun ako ay sabay silang napatingin sa akin.
"Oh? Hindi ka pa maghahanda?" Tanong ni Mommy.
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
RomanceAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...