Nagising akong nagba-vibrate yung cellphone ko. Nakatulugan ko pa lang hawak ko ito.
Tinignan ko muna kung anong oras na at nakita 10pm na. Nagdire-diretso pala yung tulog ko simula nung makauwi ako.
Tinignan ko yung mga notification sa phone ko. May mga message sa Messenger, tags sa Facebook at mga text.
Una ko munang tinignan yung nga message sa Messenger. Puro mga GC lang naman kaya hindi ko na binuksan lahat. Sunod ko namang tinignan yung sa Facebook at nakita kong maraming nag-tag sa akin sa kung anu-anong pictures at videos kanina sa nangyaring Welcoming Event sa school. Ni-like ko naman yun lahat bilang aknowledgement. Infairness, yung iba magaganda yung kuha kaya sinave ko na din sa phone ko. Nakita ko ding may mga nag-add as friend sa akin. At isa na doon si Lou.
Pinag-iisipan ko kung i-aaccept ko ba o hindi. Wala naman masama kung iaaccept ko. I already consider her as one of my friends.
Pinindot ko na ang 'accept' at pumunta na sa Messages ko. Nakita kong may mga text sa akin yung iba kong kaklase. Hindi ko na nireplyan dahil hindi naman kailangan. Pero may nakapukaw ng atensyon ko sa isa sa mga text doon.
From: Lou
Gising ka pa?
Sa lahat ng text na nareceive ko, yan lang yung kakaiba. Halos lahat ng text na nareceive ko ay puro 'good job' eh kaya hindi ko na pinansin.
Pero yung text ni Lou, parang feeling ko gusto niya ng kausap.
Tinignan ko yung oras at nakitang 5 minutes ago pa lang matapos niyang isend kaya naman nireplyan ko siya.
Hangga't hindi pa natatapos ang araw na ito, pagbibigyan ko muna ang sarili kong lumapit sa kanya.
To: Lou
Yep. Actually kakagising ko lang simula kanina nung makauwi tayo.
Pagkasend ko ay wala pang dalawang minuto nung magreply siya.
From: Lou
Ayun! Akala ko hindi ka magrereply. Kasi mukha kang galit sa akin kanina.
To: Lou
Paano mo naman nasabi?
From: Lou
Iniiwasan mo ako. Akala mo hindi ko halata?
Nahalata niya pala. Akala ko parang wala lang sa kanya dahil kahapon lang naman kami nagkakilala at yung mga ganoong bagay ay hindi pa siya aware. Kaya nga hangga't maaga pa ay hindi ko na pinapahalata sa kanyang clingy ako sa mga kaibigan ko lalo na sa mga taong komportable ako para hindi niya masabing iniiwasan ko siya.
Nagvibrate ulit yung phone ko pagkalipas ng ilang minutong hindi ako nagreply.
From: Lou
Pero dahil sinabi sa akin ni Phil na kapag kinakabahan ka daw ay tahimik ka kaya naman hindi ko na inisip na galit ka sa akin. Wala na kayong performance next week kaya naman sana ay okay ka na 😊
Napatitig ako sa text niya sa akin. Hindi ko alam kung anong dahilan niya pero bakit siya ganito? Bakit parang iniintindi niya lahat?
To: Lou
Sana nga haha
From: Lou
Sige. Bukas na lang ulit tayo usap. Kailangan ko nang matulog. Bye! Goodnight, Don!
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
RomanceAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...