SC: Louielie's POV Part 11

41 4 6
                                    

A/N: dapat kahapon pa talaga tong update na to, bilang celebration sa anniversary ng DonLou. Char. Pa-birthday ko sana sa inyo eh hahaha

As far as I remember, tinanong ko kayo kung anong meron sa October 22 hahaha it's actually my birthday.

Thank you so much sa mga bumati sa akin kahapon and sorry for being inactive. Mahal ko kayong lahat!

Here's an update. Enjoy reading!
---

Saan ko ba nakuha yung idea na magiging maayos pa rin ang lahat kapag bumalik ako sa U.S.? Saang katangahang ideya ko yun napulot?

Napaupo ako sa upuan sa may private room ng Marahuyo at tuloy-tuloy na umiyak. I don't care anymore if they saw how vulnerable I am right now. I'm tired hiding what I feel, I'm tired being strong.

I give up.

Tahimik ang mga tao sa loob at walang nagtatangkang magkomento sa nangyaring komprontasyon sa pagitan namin ni Don. Maybe they just want to give me some time to calm down.

May narinig akong pumasok sa room at mabibilis ang yabag na lumapit sa akin. Naramdaman ko kaagad ang yakap niya habang nakatayo siya. Ibinaon niya yung mukha ko sa tyan niya at hinagod yung likod ko.

"Ssh... Calm down. I'm here." Narinig kong sabi ni Lianne.

Patuloy ako sa pag-iyak hanggang sa mapagod ako habang nakayakap sa akin si Lianne. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa paligid at hindi ko napansin na umalis pala si Jin sa loob ng room.

Inabutan ako ng tubig ni Jay para manumbalik yung lakas ko. Kinuha ko ito at uminom. Halos nanglahati yung bottled water dahil sa uhaw ko.

"What happened? Nakasalubong ko kanina si Donnie pero hindi niya ako pinansin." Tanong ni Lianne.

Kinuwento ko sa kanya ang nangyari at muli na namang bumalik sa akin yung mga sinabi niya na siyang dahilan kung bakit hindi ako matigil sa pag-iyak ko.

"Sana hindi ka na bumalik."

It hurts.

"Mas mapapatawad kita kung hindi ka na bumalik. Sana tinuloy tuloy mo na. Dapat ginawa mo na ding pitong taon o higit pa."

He wants me gone.

"Sobrang sakit na hindi ko alam kung mapapatawad pa ba kita."

I hurt him a lot to the point that he doesn't want to forgive me, and it intensifies my pain right now.

"Gusto na kitang kalimutan... Ayoko nang mahalin ka... Nakakatakot kang mahalin dahil parang wala lang sayo yung nararamdaman ko. Mahal na mahal kita, sobra pa sa sarili ko pero kung iwan mo ako ay ganun na lang..."

He finally burst out and lashed out his pain to me. He finally told how broken he was when I first leave and it caused him to become almost crazy. He suffered because of me, and he doesn't want me to be part of his life anymore. He is scared and I'm the cause of his fear.

"Ayoko na, Louielie... Hirap na hirap na ako... Hindi ko na alam kung ano pa bang pwede kong gawin... Kaya ayoko na... Gusto na kitang kalimutan... Ayoko nang mahalin ka..."

He wants to forget me like he doesn't know me. Like I never happen to his life.

"Sumusuko na ako sayo... Ayoko na..."

He gave up.

Nanginig muli ang katawan ko sa nagbabadya na namang luha na gustong lumabas sa pag-alala ng mga masasakit na salitang sinabi niya. I can feel his pain through his words earlier. It is very raw and no filters. It is what he was hiding for all those years.

Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon