"Galingan niyo mamaya ah!"
"Oo naman. Gagalingan talaga namin."
"Sige, dito na ako. Punta lang ako kay Ate kasi may sasabihin sa akin." paalam sa amin ni Lou.
"Hala! Yare ka! Papagalitan ka non! Kita mo ba yung tingin sa iyo kanina habang nagtuturo?" asar ko sa kanya.
Nakita kong natigilan siya at nanlaki yung mata. Tumingin siya sa akin at mabilis akong binatukan.
Masakit yun.
"Gagi ka! Bakit mo pinaalala? Kinabahan tuloy ako bigla!" nakangiwing sabi niya.
Tumingin ako sa kanya ng nakaawang yung bibig. "Kailangan mambatok?! Masakit yun ah!"
"Sorry. Ikaw kasi eh. Para kang ewan tinatakot mo ako." sabi niya at hinimas yung binatukan niya.
Shete. Nababading na ata ako.
Nag-iwas ako ng tingin dahil feeling ko hindi ko mapipigilan ang ngiti ko.
Nakarinig ako ng tikhim kaya naman napaseryoso yung mukha ko bigla.
"Akala ko ba aalis ka na, Louielie?" sabi ni Phil.
Hala umiral na naman pagkamasungit nito. Tinignan ko siya at nakita ko siyang nakatingin din sa akin. Huminga ako ng malalim dahil alam ko ang ibig sabihin nung tingin na iyon.
"Paalis na nga ako. Eto kasing si Don eh." dinuro pa ako at sinamaan ng tingin.
"Hala. Wala akong ginagawa ah. Grabe ka sa akin." sagot ko naman.
Inismidan niya lang ako. "Alis na talaga ako. Legit na 'to." sabi ni Lou at nauna nang lumabas ng room namin.
Tapos na ang lunch break namin kaya naman wala na kaming pasok sa pang-hapon. Lumabas na din yung iba naming kaklase dahil magpeprepare pa sila para sa mga clubs nila. Iilan na lang ang tao dito sa loob. Mga wala pa atang sampu.
Si Jin, nauna nang umalis dahil may short meeting ang mga leader ng banda sa Music Club. Si Brian, wala na din dito dahil may sinisipat yun sa Dance Club. Si Jay naman ay pumunta sa C.R. siguro ay mamaya na kami magkita-kita pag malapit na yung event.
Kaming dalawa na lang ni Phil na magkabanda ang natira dito sa loob ng room kaya paniguradong magkakaroon ng hot seat.
Nang lumingon ako sa kanya ay nakita kong nakatingin siya.
"Nagiging close kayo ah." bungad niya sa akin.
Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko alam kung ioopen ko ba yung nararamdaman ko kapag kasama ko si Lou. Maraming bagay akong kino-consider. Marami akong dahilan para hindi dapat kaming maging close. Pero mas lamang sa akin ang kaisipang hindi naman masamang na maging kaibigan ko siya diba? Kami yung una niyang naging close, madalas niya akong kausapin simula nung magkakilala kami. Ang sama naman kung hindi ko siya papansinin bigla diba?
"Hindi naman siguro masama na maging kaibigan siya diba? Kaibigan lang naman." sagot ko sa kanya.
"Bakit parang nakakarinig ako ng 'muna'? Kaibigan lang naman 'muna'." nahihimigan ko sa tono ng pananalita niya na naghihinala siya sa sagot ko.
Huminga ako ng malalim bago ko siya sinagot. "Sabi ko nga kahapon diba, hindi ko siya lalayuan. Hindi dahil sa ayaw ko kundi dahil hindi ko kaya. Kahapon lang kami nagkausap pero magaan na yung loob ko sa kanya. Kilala mo ako, Phil. Once na nakaramdam ako ng pagka-komportable sa isang tao, hindi ko na binibitawan yun."
"Pero nararamdaman kong hindi lang pagkakomportable ang nararamdaman mo at mararamdaman mo pa sa kanya. Kilala mo din ako, Donnie. Malakas kutob ko sa mga bagay bagay." sagot niya naman sa akin.
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
RomanceAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...