Chapter 52

50 3 2
                                    

"Dahil wala naman tayong lessons ngayon, maglaro na lang tayo. Alam kong fresh pa sa utak niyo yung mga nireview niyo nung exam kaya naman ganun na lang yung gagawin natin." Bungad agad sa amin ni Maam Kris noong makapasok siya sa room.

Sari saring daing ang narinig ko galing sa mga kaklase ko. Yung iba naman ay wala reaksyon at yung iba naman ay nagbunyi pa. Isa na ako doon sa nagbunyi, syempre. Favorite ko na kaya yung Math.

Today is Friday at kakatapos lang namin gawin lahat ng mga naiwang projects na kailangan ipasa kahapon pero dahil may event mamaya ay nandito pa din kami sa school.

"Since almost equal lang naman ang bilang ng boys and girls sa room na ito, yun na lang yung groupings natin. 17 ang boys habang 16 naman ang girls. Grouo yourselves na." Utos ni Maam.

Agad kaming nagsikulusan para magsama-sama. Medyo nanghinayang ako dahil hindi ko pala makakagrupo si Lou. Pero nakakaexcite na din kasi makakalaban ko siya.

"Pili kayo ng leader niyo, saka ko sasabihin yung mechanics." Sabi sa amin ni Maam habang kumukuha ng mga markers sa drawer sa table.

Manunuro na dapat ako ng kung sinong pwede yung leader kaso sumigaw agad si Brian.

"Si Donnie po leader namin, Maam. Magaling naman to sa Math." Sabi niya at agad na pumayag yung mga kasama ko.

Agad na nanlaki yung mata. "Mga loko kayo. Tamad lang kayo eh kaya todo agree agad kayo."

"Ay, edi si Louielie na lang sa amin, Maam. Magaling din to sa Math!" Sabi naman ni Sabrina.

"Hoy! Bakit ako? Sabunutan ko kayo isa-isa!" Rinig naming sigaw ni Lou kaya nagtawanan kami lahat.

"Para mag-away kayong dalawa." Sabi nung isa namin kaklaseng babae.

"Oo nga. Pag nag-away kayo, maghihiwalay kayo. Hindi pwedeng kayo lang yung masaya sa pamilyang to! Dapat sawi din kayong dalawa!" Sabi nung isa pa naming kaklase na lalaki dahilan para magtawanan ang buong klase ng malakas at pati si Maam Kris ay tumawa na din.

"Ang bi-bitter niyo! Sana hindi masarap ulam niyo mamayang lunch!" Sabi ni Lou at nakita kong nakanguso siya. Natawa ako sa itsura niya dahil apektadong apektado siya kahit biro lang yun.

"Hay nako! Hayaan niyo na, first time lang nyan ma-crush back eh. Pagbigyan niyo na." Asar sa amin ni Maam.

May narinig pa akong 'sana all nacrush back' kaya tumawa na naman yung buong klase.

"Kami lang ba?" Tanong ni Lou kay Maam Kris.

Tinignan lang siya ng masama ni Maam at mukhang nakuha naman ng buong klase yung ibig sabihin ni Lou kaya nagtawanan ulit kami.

"Heh! Manahimik na! Eto na mechanics!" Suway ni Maam sa amin. Hindi ko maiwasang mapailing dahil parehong pareho sila ni Lou kapag napipikon.

Pinaliwanag na ni Maam yung laro. Quiz bee pala yon. Magbibigay siya ng mga problems at paunahan itaas yung final answer nung problem na iyon. Kapag nauna yung group ay ipapasulat ni Maam sa board yung solution. Kapag tama yung final answer na itinaas at yung solution na isinulat sa board, 10 points, kapag isa lang doon ang tama, 5 points, kapag wala, syempre walang points. Paramihan ng points ang labanan at kung sino man ang manalo ay may ibibigay daw si Maam sa amin.

Dahil likas na competitive ang section namin kahit second section kami, paniguradong matinding laban to.

"Okay, Leaders. Here's the problem no. 1." May hawak si Maam na dalawang papel na nakatupi at inaabot sa amin.

Lumapit kami parehas ni Lou sa harap pero bago pa kami pumunta grupo namin ay may sinabi siya sa akin. "Break muna tayo, isang oras. Wala munang jowa jowa dito, ah. Competitive ako."

Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon