Chapter 57

30 3 1
                                    

"Congratulations!" Malakas na sigaw ni Brian matapos ang Graduation Ceremony namin.

Sa wakas ay graduate na kami ng highschool. Kahit buong highschool lang akong nagbulakbol, mamimiss ko din tong school namin. Marami ding memories dito. At hinding hindi ko malilimutan tong highschool life ko dahil dito ko nakilala ang mga kaibigan ko at lalong lalo na yung babaeng mahal ko.

"Congrats, guys!" Sigaw ni Jay at ni-group hug kami. "Mamimiss ko kayo! Ang daya niyo kasi eh. Hindi niyo ako sinamahan sa Performing Arts!"

"Matuto ka naman maging mag-isa. Lagi ka na lang nakadikit sa amin." Biro ni Brian.

"Hay nako! Mukha ngang magiging mag-isa na ako sa buhay kaya sasanayin ko na siguro." Sagot niya sabay tawa.

Oo nga pala, simula nung nanligaw si Vincent kay Lolly, na sila na ngayon, ay hindi na ulit sila nag-usap.

Nag-uusap usap pa kaming magkakaibigan nang matanaw ko yung taong papalapit sa amin. Agad akong napangiti nang makita kong nakangiti siya sa akin. Idinipa ko kaagad ang mga braso ko para salubungin siya.

"Congrats, My Love. I'm proud of you." Bulong ko kay Lou habang nakayakap sa kanya.

"Congrats din. Mas nakakaproud ka, My Love. Galing galing mo." Sabi niya sa akin.

Humiwalay siya sa yakap ko at humarap sa mga kaibigan namin. "Congrats, guys! Group hug!" Agad kaming nag-group hug. Natatawa kami lahat dahil pinirat namin si Jin dahil siya ang leader.

"Hi, guys! Congrats sa inyo!"

Agad kaming napabitaw sa yakap at lumingon sa nagsalita. Bumungad sa amin si Lianne na nakangiti.

"Valedictorian! Congrats!" Bati ni Lou sa kanya at agad silang nagyakapan.

"Congrats, top 3!" Bati ni Lianne kaya nagtawanan silang dalawa.

"Ako, hindi mo iko-congrats? Top 2 ako."

Agad kaming napalingon sa kanya at hindi makapaniwalang napatingin. That was the first time na bumanat siya kay Lianne ng ganun. He is usually quiet and reserve. Pero ngayon, nakakausap niya na yung taong gusto niya.

Gusto ko siyang batukan. Dahil kikilos na lang siya, kung kailan tapos na kaming mag-highschool at hindi na kami magkikita-kita.

Tumawa si Lianne dahil sa sinabi niya at lumapit sa kanya. "Congrats, Top 2. Bilang regalo, pumapayag na akong maging date ka bukas sa Graduation Ball." Sabi ni Lianne at tumaas baba pa yung kilay.

Isa pang nakakagulat! Niyaya niya si Lianne na maging date sa Graduation Ball!

Nakita kong nagulat at namula si Jin. "T-talaga?"

"Oo. Kaya huwag ka nang magtampo dyan dahil hindi kita binati agad." Napapailing pa si Lianne dahil sa tinuran ni Jin.

"Oh, alam niyo na! Picture na!" Narinig kong sabi nung nasa likod ko. Nung nilingon ko yung ay nakita ko si Melody na may nakasabit na camera sa leeg. Narinig kong nagbunyi yung tropa kaya nagkanya kanya na silang pwesto.

Una munang nagpicture kaming buong banda, tapos solo shots, by pair, tapos pinilit pa kami ni Melody na kuhanan ni Lou kahit nakakarami na kami ng selfie sa cellphone ng isa't isa, and then kasama si Lianne kaya napatingin kami sa kanya.

"What? Isama niyo na ako! Malay niyo ako yung maging future manager niyo kapag sumikat kayo! At least diba highschool palang, magkakasama na tayo. May proof!" Sagot niya sa amin.

Nagsimula nang kumuha si Melody. Nakakatatlo na siyang kuha nung may narealize ako.

"Lods, sama ka sa picture, Lods." Sabi ko.

Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon