"Hello? Nandyan na ba 'yong teacher? Nasa gate pa lang ako!"
"Bilisan mo na at tumakbo habang wala pa. Ewan ko ba naman sa 'yo, unang araw ng pasukan, late ka."
"Eh nasanay eh!"
"Oh, sige na. Bilisan mo na, ah? Bugok ka talaga."
"Sige na. Bye."
Napakagaling. Unang araw ng pasukan, ganito nangyari. Though, lagi naman talaga akong late eh. Pero ngayon, kailangan ko nang magtino! Graduating na eh. Binigyan na ako ng ultimatum ni Mommy. Tandang-tanda ko pa yung pagkakasabi niya sa akin.
"Kapag mababa ang grades ngayong grading, sa probinsiya ka magka-college! Hindi ako nagbibiro, Donito! Tatanggalin ko 'yang kaligayahan mong banda na 'yan kapag nagbulakbol ka na naman sa pag aaral mo!"
Syempre, dahil mabait na bata ako, kahit 'di halata, susundin ko si Mommy. Bukod sa ayoko nang madisappoint siya sa akin, ayoko din naman pumuntang probinsiya at iwan dito sila Phil, Jin, Brian at Jay. Mawawalan sila ng drummer na pogi.
Nakarating ako sa room ng sobrang hinihingal. Buti na lang, wala pa yung teacher.
"Ano, bro? Sino nanalo sa marathon?" Sabi ni Jay na tatawa-tawa pa.
"Shut up."
"Bakit ba late ka na naman, ha?"
"The usual. Napasarap tulog."
Dumating na yung teacher namin pagkaupo ko.
"Good morning, Class B!"
Sabay sabay naman kaming bumati pabalik sa teacher namin, na feeling ko ay adviser na din namin. 'yung iba masigla, 'yung iba bored, 'yung iba parang wala lang.
"I am Ms. Kristal Tencio. I will be your adviser and your Trigonometry teacher as well." pakilala niya sa amin.
Marami namang parang nanlumo sa amin, kasama na 'yung apat kong tropa, dahil unang subject daw ay Math. Umagang umaga daw ay bubungad sa amin 'yun.
Well, okay lang naman sa akin. I like Math. Mas nakakabored kung English ang una. Panigurado, doon makakatulog agad ako niyan, first subject pa lang.
"Nakakaloka naman kayo! Huwag kayong ma-depress. I will teach you this subject as easy as I can for you to easily understand. Hindi ko hahayaan na ito pa ang maging dahilan para hindi kayo makagraduate. Tutulungan ko kayo." sabi niya sa amin ng nakangiti para pagaanin 'yung loob ng bawat isa sa amin.
Narinig ko namang nagpasalamat yung mga kaklase ko at natuwa sila sa sinabi ni Ma'am Kristal. Kahit ako, natuwa sa sinabi niya.
Mukha siyang mabait at kalog. Sana talaga ay maging maayos 'yung last year namin ngayong highschool.
"Dahil first day palang, alam niyo naman na siguro ang nangyayari kapag first day, 'di ba?" sabi niya. "Let us introduce ourselves, but with a twist!"
Naging interesado naman ang buong klase sa 'with a twist' na sinabi ni Maam kaya lahat ng kaninang parang bored ay nakinig bigla.
"You will tell us your name, and your interest or talent. Siguro ,yung iba sa inyo alam niyo na yung interest ng bawat isa pero ako, hindi. Kaya gusto kong malaman. Para makilala ko kayo at para alam ko kung paano kayo pakikitunguhan."
Tumango-tango naman ako. Hmm. Okay din.
"So, let's start!"
Sunod-sunod na nagpakilala ang mga kaklase ko at ako mismo ay namamangha dahil hindi ko alam na 'yung mga interest pala ng mga iba kong kaklase ay interest pala nila. 'yung iba, hindi halata sa kanila. 'yung iba, hidden talent pala.
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
RomanceAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...