Nagitla ako sa lakas biglang pagbukas ng pinto ng room namin. Hindi lang naman ako kundi ang mga kaklase din namin na nasa loob ng room.
Nang tignan ko kung sino ang may kagagawan non ay nakita ko si Lou na tumatakbo papunta sa amin.
"Guys!" biglang sigaw niya habang tumatakbo at malapad ang ngiti sa mukha.
Nang huminto ito sa harap namin ay bakas pa din sa kanya na may nasagao siyang mabuting balita at hindi siya makapaghintay na masabi ito sa amin.
"Lumabas na yung resulta ng audition! I passed!" sabi niya at tumalon talon pa.
Napatayo din si Jay at sumama sa pagtalon talon na parang nagcecelebrate.
"Kahit expected na naming makakapasok ka, Kailangan pa din i-celebrate to! Yehey!" sabi pa ni Brian at sumama na din sa dalawa na tumalon talon.
Napatawa ako ng bahagya dahil sa itsura nila. Parang mga bata eh.
"Congrats, Louielie! Welcome sa banda!" sabi ni Jin at nakipag-high five kay Lou.
"Gaya nga ng sabi ni Brian, inaasahan na namin yon. At dahil dyan, kakain tayo mamaya after class." sabi ni Phil at nginitian si Lou.
Napapansin kong hindi na masyadong ilag si Phil kay Lou gaya noong unang linggo na nakilala namin si Lou. Siguro ay tanggap niya na din na talagang magiging kaibigan namin si Lou.
"Oh sige! My treat!" sabi ni Lou kaya napatingin kami sa kanya at natigilan.
Nagtaka naman siya sa inakto namin kaya naman hindi niya naiwasang magtanong. "Ahm.. Bakit ganyan itsura niyo?"
"Hindi pwedeng ikaw ang manglibre sa amin. Kami ang manglilibre sayo." Sagot ni Jin.
"Yep. Pawelcome namin sayo yun tsaka hindi kami sanay na nililibre ng babae." sagot naman ni Brian.
Napatingin sa akin si Lou kaya naman ay binigyan ko siya ng encouraging smile at tumango sa kanya. "Kami na bahala."
Ngumiti naman siya ng malapad sa amin. "Okay sige. Sabi niyo yan ah. Wala nang bawian."
Pare-pareho naman kaming umagree sa sinabi niya.
Nakakatuwa na kahit papaano ay nagiging komportable na si Lou sa amin. Pero kung hindi ko alam yung kwento niya, aakalain ko talagang wala siyang kaproble-problema pagdating sa friendship, pero grabe pala yung struggle niya sa mga ganitong bagay. She's so strong. Kung ako siguro yun ay puro pagtatago at pag-iwas lang ang gagawin ko.
Pagkatapos ng klase ay sabay sabay kaming naglakad palabas ng room. Habang naglalakad ay may mga bumabati sa amin, at hindi lang iyon, may bumabati na din kay Lou.
Katabi ko siya maglakad kaya kita ko sa kanya ang pagkabigla kapag may bumabati sa kanya at nagtatanong ng pangalan niya. Minsan din ay pinupuri siya dahil sa ginawa niyang act noong audition kaya naman ay natutuwa ako dahil hindi mo mahihimigan sa itsura niya na may pinagdaanan siyang matindi.
Sa tuwing may magpapakilala sa kanya ay lilingon muna siya sa akin o sa amin bago magpakilala din.
"Ganito ba talaga mga tao dito? Ang babait." sabi niya noong malapit na kami sa gate.
Nginitian ko siya at tumango. "Bibihira yung mga bully dito. Bibihira lang din yung naglalamangan dito kaya naman halos lahat ng estudyante dito ay magkakakilala at magkakaibigan."
"Buti na lang talaga, dito ako nag-enroll." sagot niya.
Buti na lang talaga. Kung hindi, hindi sana kita nakilala.
Napagdesisyunan naming kumain sa may unli-wings malapit sa school kaya naman ay dumiretso na kami doon. Hindi naman siya ganoon kalayo. Mga dalawang kanto lang ang layo noon sa school pero kailangan pa namin tumawid.
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
RomanceAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...
