A/N: This is my longest chapter sa lahat ng sinulat ko. Shems. Umabot ng 3k yung words. Hindi rin ako makapaniwala. Sinipag ako bigla.
Enjoy reading!
-----Nagkaroon pa ng ilang orientation regarding sa rules ng club at yung mga violations and sunctions.
At dumating na yung isa sa mga pinakahinihintay namin. Ang announcement ng events.
"For this school year, marami-raming events and activities ang dapat na may participation tayo. Sa buong club na ito, I encourage you all to join and perform para mabuild din yung confidence niyong lahat. The school events management never fail us a right amount of performance duration lalo na kapag 1-day event. Pero yung mga umaabot ng 1 week ay ginagawan talaga namin yon ng schedule para lahat ay makasali. Kaya walang lugi dito." Mahabang paliwanag ni Jerick sa lahat.
Mas lalo akong naging attentive lalo na nung tinignan na ni Jerick yung listahan kung saan nandoon yung mga activities ng club.
"Eto yung mga events na kasama tayo." Tumikhim muna siya bago nagsalita. "Una ay ang Foundation Week na mangyayari sa first week ng September. Then Sembreak Event na mangyayari sa last week ng October. Next ay Christmas Party na sa December second week. Valentines event sa February. Year-End Event sa 3rd week ng March, after ng final exams and Graduation Ball for 4th year students. Bago magkaroon ng practice for graduation ang mga 4th year ay magkakaroon na tayo ng election ng new set of officer for the next school year."
Nabanggit niya na lahat ng events pero yung inaasahan namin ay wala. Medyo nanlumo ako nang hindi ko marinig yung gusto kong marinig.
Fake news lang pala si Maam Kris eh. Paasa. Kainis.
Tinignan ko yung mga kabanda ko at yung mga old members. Lahat kami ay parang nanlulumo. Dahil marami din sa amin ang graduating na ay marami din ang nalungkot.
Huling taon na nga lang namin eh, hindi pa kami mapagbibigyan?
"Hey, Senior members! Bakit ganyan mga mukha niyo?" Nakangising tanong sa amin ni Jerick.
"Wala yung inaabangan naming event." Sagot nung isang old member.
"Panigurado hindi na naman naapprove yon. Huwag ka nang umasa." Sagot ni Brian sa kanya.
"Sinong nagsabing hindi approved?" Sabi ni Jerick at may kinuhang papel sa loob ng bag niya. "Alam ko yung inaabangan niyo. But before I show you this paper, pasalamatan natin yung effort ni Maam Ella with the help of Maam Kristal and Sir Red." Iniharap niya sa amin ang papel at parang gusto kong tumalon sa tuwa. "The Battle of the Bands has been approved. Kahapon ko lang nakuha itong approval letter sa office. Hindi ko sinabi sa officers para surprise."
Nag-ingay ang lahat at nagbunyi. May ibang tumayo sa upuan at sumayaw na parang ewan. May iba pang nagyakapan at nagtatatalon sa tuwa.
Kaming anim, kahit alam na namin na meron ngang BOTB ay nagtatatalon kami sa tuwa. Sa wakas! Makakasabak na din kami sa competition! Isa ito sa mga pangarap namin eh.
Nakita namin yung ibang bago na para nagtataka sa inaakto namin. Kaya nagsalita ulit si Jerick.
"For the context para sa mga new members lalo na sa mga transferees na hindi pa alam ang kalakaran dito sa school, marahil nagtataka kayo kung bakit yung mga senior niyo ay grabe magbunyi. You see, this school focuses on the relationship and harmonous interaction towards the students and faculties here. Kaya masyadong strict ang school na ito when it comes to the competitions and battle dahil maaari daw mag-cause ng conflicts sa mga estudyante. But our great advisers talked to the heads and explain that this will also showcase the talents of the students. And proof na rin siguro na magkakaibigan ang lahat ng estudyante dito kaya naman ay mas mababa ang chance na magkaroon ng away."
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
RomanceAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...