Chapter 50

44 4 2
                                    

"May lakad ka ba bukas, Donnie?" Tanong ni Mommy sa akin habang kumakain kami ng dinner.

"Meron po. May practice po kami ng banda para sa event sa Friday. Bakit, Mom?"

"Wala naman. Tinanong ko lang. Atsaka, akala ko magdidate kayo ni Louielie." Sagot niya.

"Hmm. Next week, before sem break, magdidate kami. May mga tatapusin pa kaming requirements this week eh."

"Anong event pala tutugtugan niyo?" Tanong ni Dad.

"Nagkakaroon po kasi ng mini event sa school bago magsem break. Lagi pong isinasama ng mga CSG yung Music Club na tumugtog kaya lagi din kaming nala-line up na banda. Pero this time, acoustic session lang yung mangyayari kaya iilan lang yung tutugtog sa amin." Pagkukwento ko.

"Tutugtog ka?"

Umiling ako. "Mapilit si Lou, eh. Gusto niya siya yung tumugtog."

Dahil sa sinabi ko, nagtawanan pareho si Mommy at Daddy kaya kumunot yung noo ko.

"Anong nakakatawa?"

"Ikaw!" Sabay pa nilang sabi at tumawa na naman.

Napanguso ako bigla. Dati si Mommy lang ang nambubully sa akin. Ngayon, si Daddy na din.

"Ano na namang nakakatawa sa akin?"

"Anak, under ka? Sinabi niya lang na gusto niya, sunod ka kaagad?" Tanong ni Daddy.

I looked flatly at Daddy. "Really? Coming from you, Dad?"

"Hindi ako under ah. Sadyang mahal ko lang Mommy kaya sunod agad." Sagot niya.

"Then, that's your answer." Sabi ko at kumain na.

"Nag-aasaran kayo, pareho lang naman kayong marupok." Sabi ni Mommy.

Hindi na lang ako sumagot dahil baka mayari ako. Nagkatinginan lang kami ni Daddy hindi na umimik. Ganun din siguro yung nasa isip niya.

"Ahm, Dad." Pagtawag ko kay Daddy nang may bigla akong maalalang itanong.

"Yes, Anak?"

"Ah.. are you going to stay here?" Sabi ko sa kanya. Nakita kong nanlaki yung mata niya sa tanong ko. Alam kong hindi niya inaasahan na ako ang mag o-open up ng topic na 'to.

"G-gusto mo ba na dito na lang ako? O gusto mo na bumalik don sa bahay natin?" Balik niyang tanong sa akin.

Alam kong isa yun sa mga iko-consider niyang options dahil hindi nga naman dito yung bahay talaga namin. Medyo malayo yung talagang bahay namin kaysa dito. I also considered that idea long time ago noong naiisip ko na kung magkaka-ayos pa ba kami lahat, noong wala akong matinding dahilan para magstay dito, pero dahil meron na, mukhang malabo na iyon yung mapili ko.

"Pwede bang dito na lang tayo? Kahit hanggang pagkagraduate ko lang. Malayo yung bahay natin sa school ko. Atsaka, ayokong malayo kay Lou." Sagot ko sa kanya.

Mahinang natawa si Daddy. "Inaasahan ko na yang sagot mong yan. Kaya nga nagulat pa ako na nagtanong ka." Sabi niya at umayos ng upo. "Okay, I'm fine with that. We'll stay here for as long as you want."

Dahil sa sagot ni Daddy ay napangiti ako ng malapad. "Thanks, Dad."

"Anything for you, Anak." Sagot sa akin ni Daddy at nang mapadako yung tingin ko kay Mommy ay nakita kong nakangiti siya. Alam kong nasa isip niya din na sana magstay dito si Daddy.

Nang matapos kaming kumain ay nagprisinta na akong maghugas at pinagpahinga ko na sila. Naglinis ako sa buong kusina at nag-ayos na din ng mga hinugasan.

Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon