Isa sa mga dahilan ko kung bakit sobra akong kinakabahan ngayon ay baka may makita akong hindi inaasahang tao. Si Daddy.
Kanina, habang naghahanda ako, doon ko lang naisip na hindi ko pala natanong kung pinapunta ba ni Tita si Daddy. Hindi rin niya nabanggit kaya baka dumating bigla. At hindi ko alam ang gagawin kapag nangyari yun.
Nang makababa ako ng jeep ay naramdaman ko kaagad na may tumatawag sa akin. Nakita kong si Tita Mercy iyon kaya sinagot ko na.
"Hello, Donnie?"
"Hello po, Tita."
"Nasaan ka na banda?" Tanong niya.
"Nasa gate na po ng subdivision niyo." Sagot ko.
"Okay. Nandyan na si Melody sa may gate ah."
Nilibot ko yung paningin ko at nakita ko si Melody sa hindi kalayuan. Dumako din yung tingin niya sa akin kaya naman agad siyang lumapit.
"Nakita ko na po siya, Tita." Sabi ko at sakto namang palapit ni Melody sa akin.
"Oh sige mag-ingat kayo, ah?"
"Opo."
Nang mababa ko na yung tawag ay saka ako humarap kay Melody.
"Hi, Kuys!"
"Hello, Baby couz!" Sabi ko at ginulo yung buhok niya.
Sinaman niya ako ng tingin at inis na inayos yung buhok niya. "Ano ba yan."
Tinulungan ko naman siya ayusin yung buhok niya habang tinatawanan siya. "Sorry na."
"Tara na nga. Kanina pa excited sila Mommy na makita ka."
Naglakad na kami papasok sa subdivision nila habang nagkukwentuhan. Sabi niya ay malapit lang naman daw yung bahay nila sa gate kaya wala pang ten minutes na paglalakad ay nakarating na kami doon. Medyo malaki yung bahay nila kumpara sa amin. Pinaghalong beige at brown yung kulay ng mismong bahay nila. Sa labas pa lang, makikita mo nang may kakayahan sa buhay yung nakatira. Hindi na ako magugulat dahil may mga kaya talaga sa buhay yung mga nakatira dito sa North Gate.
May nagbukas ng gate nila para sa amin at nakita kong guard pala nila yun. Hindi ko maiwasang mamangha dahil sa nalaman ko, lalo na nung makapasok ako sa mismong bahay nila. Ang lawak ng loob non at ang ganda ng interior design. Halatang pinagplanuhan at pinag-isipan.
"We're here." Sabi ni Melody nang makarating kami sa sala nila.
Nakita kong nakaupo na doon si Tita Mercy. May kasama siyang middle aged na lalaki at isa pang lalaki na hula ko ay mas bata sa akin ng ilang taon. Nang makita nila ako ay tumayo agad sila at sinalubong ako.
Unang lumapit sa akin si Tita Mercy at niyakap ako. "Hi, Donnie. I'm glad nakarating ka." Sabi niya ng may masuyong ngiti sa labi.
Lumapit yung medyo matandang lalaki sa akin at ni-man hug ako. "Finally! Nakilala na din kita. I'm Tito Lloyd." Nakangiti pakilala nito sa akin.
"And this is Rhythm. Your other cousin." Pakilala naman ni Tito Lloyd doon sa isang lalaki na nakangiti sa akin. Lumapit siya sa akin nakipag-high five.
"Kuya, drummer ka daw po?" Agad na tanong nito sa akin.
Tumango naman ako dahilan para lalo siyang mamangha. "I've always wanted to know how to play Drums. Pero ayaw akong turuan ni Ate." Sabi niya at sinamaan ng tingin si Melody inismidan lang siya nito.
Nabanggit din pala ni Melody sa akin dati na nagdadrums din siya kaya alam kong may Drums sila dito sa kanila.
"Edi ako na lang magturo sayo. Kapag may oras tayo pareho." Sagot ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
RomanceAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...