One week had passed and I'm glad that my plan worked. Iilan na lang ang nangbabash kay Louielie at mga basher na lang din namin yun. It's funny that those people who is mocking are now one the people who is defending her.
Bumalik kami sa normal lahat at mas nagfocus na lang sa pagrerehearse. Our single just got released yesterday and it boomed more than we expected. The fans found out that I wrote the lyrics and know they making theories that it's for Louielie, which is true. At dahil sa ibig sabihin sa kanta ay nag-eexpect sila na magkakabalikan kami.
Pero yung iba, ang dami ding opinyon na sana daw ay hindi ko pinakawalan si Louielie kung mahal ko pa at kung ano ano pa.
Gawan nila ng kwento hanggang gusto nila, basta hindi nila i-bash si Louielie, ayos lang.
Nagi-scroll lang ako sa Facebook at nagbabasa ng ibang mga posts dito sa sofa sa studio nung may naramdaman akong umupo sa tabi ko. Natigilan ako at kahit hindi ako lumingon ay alam kong si Louielie yun.
"Ang hirap!" Sabi niya at hinagis yung lapis at notebook niya sa center table. Marahil ay gumagawa siya ng kanta para sa single na balak naming i-release after ng vacation namin.
Napatingin kami sa kanya at nakita kong nakasandal na siya sa sofa at nakakunot yung noo habang nakatingin sa notebook.
"Ano bang ginagawa mo?" Tanong ni Phil sa kanya.
"Nagsusulat ako ng kanta kaso wala akong maisip eh." Sabi niya at kinuha yung notebook at lapis niya.
"Biruin mo yun. Dumadating pala sa ganitong punto ang isang Louielie Aurora Tencio. Akala ko lagi kang mayabang eh." Asar ni Jay.
"Kaizer Jay, kailanman ay hindi nawala ang yabang ko. Tandaan mo yan. Pero mas mayabang ka pa din sa akin. Huwag kang patalo." Sagot ni Louielie.
"Alam ko namang mas mayabang ako sayo, kailan ba ako nagpatalo sayo? Gusto mo payabangan pa tayo ngayon eh." Sabi ni Jay at itinaas pa yung dalawang manggas. Itinaas niya yung kamao niya. Akala ko kung ano nang gagawin pero kinabahan pa ako sa wala.
"Bato, bato, pick!" Sabi ni Jay.
Naglahad ng 'gunting' si Jay at kasabay ng paglahad ni Louielie ng 'bato'.
"Sabi sayo eh, mas mayabang ka sa akin. Mayabang lang." Kibit balikat na sabi ni Louielie kaya nagtawanan kami lalong lalo na sa itsura ni Jay na nakanguso.
"Hay nako, nagbabardagulan na naman kayo." Sabi ni Brian at kumamot sa ulo. "Tungkol saan ba yang sinusulat mo?" Tanong niya kay Louielie.
"Gusto ko magsulat ng kanta na tungkol sa mag-bestfriend na na-in love pero one sided." Sabi niya at agad kaming napatingin kay Jay.
"Gagi ka, Louielie! Magsapakan na lang kaya tayo!" Sabi ni Jay. "Nananadya ka ata eh!"
"Edi ibahin ko na lang." Sabi ni Louielie. Bahagya pa niyang kinagat yung lapis. Habang nag-iisip ay dumako yung tingin niya sa akin at dahil nakatingin ako sa kanya ay nagkatitigan kami ng ilang minuto.
Onti-onti siyang ngumiti sa akin at onti onti namang tumaas yung dalawa kong kilay at napakurap-kurap.
"Alam ko na." Sabi niya at nagsulat na sa notebook niya.
Habang ako naman ay na-stuck na sa ganung pwesto at onti onting napakunot yung noo.
What just happened? Parang ilang minuto akong kinapos ng hininga dahil sa ngiti na yun.
"Ang lupet. Tumitig lang kay Donnie, meron na agad nagawang kanta.. Tsk, tsk, tsk." Sabi ni Jay at napailing-iling pa.
"Sinong babaeng singer ang gusto niyong maka-collab kapag nag-release kayo ng isa pang single?" Tanong ni Louielie habang nagsusulat.
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
RomantikAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...