Chapter 49

36 2 2
                                    

Nang makarating kami sa bahay ay nauna na akong lumabas ng sasakyan at pumasok ng bahay. Tumigil lang ako nung nasa sala na at doon umupo. Inilapag ko yung susi ng kotse ni Mommy sa center table.

Hindi na ako mapakali at hindi ko alam kung paano kumalma kaya tinignan ko muna yung phone ko. I need to calm down and only Louielie can do that to me.

To: My Lou

My Love. I need to calm down.

Wala pang ilang minuto ay nagreply na siya.

From: Lou

I love you! Kaya mo yan!

Dahil sa reply niya ay agad akong napangiti. Sakto pang naabutan ni Mommy at Daddy na kakapasok lang sa sala yung ganung itsura ko. Nang makita ko sila ay agad kong tinago yung phone ko.

Magkatabi silang umupo sa long sofa habang ako ay nasa single sofa. Nang makaupo sila pareho ay walang nagsalita ni isa sa amin.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Akala ko ba mag-uusap usap tayo? Bakit walang nagsasalita sa inyo?"

Napatingin sila pareho sa akin at nagkatinginan sa isa't isa.

"Okay." Mahinang sabi ni Mommy. "Let's start by answering your question earlier. Yes, your Dad and I talked already. It was an unexpected meeting. Kaya hindi ko nasabi sayo dahil sa Palawan kami nagkita."

"Palawan?" Dumako yung tingin ko kay Daddy. "Tita Mercy told me that you're out of the country, then why are you in Palawan? Are you following Mom?"

"No." Agad na umiling si Daddy. "I told Mercy that I'll be out of town not out of country. I didn't follow your Mom. Hindi ko din alam na nandun siya."

Hindi na lang ako sumagot dahil onti onti ko na naman naaalala yung usapan namin ni Tita noong gabing yun. At naalala ko din yung pangyayaring pinalayas kami ni Daddy.

"W-why..?" Wala sa sariling sabi ko habang nakatingin sa malayo. "Why did you do that, Dad?"

Nakita kong napayuko si Daddy bago nagsalita. "I-i'm sorry for what I have done, Donnie. Alam kong hindi maibabalik ng sorry yung mga nangyari. Pero sana mapatawad mo ako, Anak."

Napatawa ako ng sarkastiko. "I'm not asking for your apologies, Daddy. I am asking you why! What is the reason?!"

"I didn't meant to abandon you, Donnie. I was just so mad because of those pictures that someone sent me. I was clouded with jealousy back then that's why I said those words to your Mom which I regretted the most. Kasi pagbalik ko sa bahay non. Wala na kayo."

Hindi ako nagsalita kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Prior to that, laging may nagsasabi sa akin na pinagtataksilan ako ng Mommy mo. At first hindi ako naniniwala dahil mahal ko siya at gusto ko siyang pagkatiwalaan. Pero noong nagsimula nang may nagpapadala ng mga litrato sa akin na may kasamang mga lalaki ang Mommy mo, doon na nagsimulang lagi kaming nag-aaway. Doon na nagsimula na lagi kong pinagdududahan ang Mommy mo. I should have trusted her but I didn't. Lalong lalo na nung nakita ko yung huling picture na sinend sa akin. It was your Mom with a man and that man hugged her. Sobra akong nagalit nun pero deep inside nasasaktan ako kasi nasa isip ko, akala ko sapat na ako, akala ko kuntento na siya sa akin. May anak na kami, mahigit sampung taon na kaming kasal nun tapos makikita ko, ganun yung ginawa niya sa akin. I love her very much but I was so hurt back then. Hindi ko nacontrol yung sarili kong pagsalitaan at pagbuhatan ng kamay ang Mommy mo dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. All my life, siya lang yung minahal ko. Inalay ko yung buhay ko sa kanya pero yun lang ang gagawin niya sa akin. So to protect myself from dying because of heart break, pinaalis ko siya, naisip ko din na baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya pero isinama ka nya."

Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon