Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang, tumatakbo ako galing gate papuntang room dahil late ako sa unang araw ng klase. Ngayon, August na.
Marami nang nagbago sa halos dalawang buwan na nakalipas na iyon. Sa buong school, sa mga kaklase ko, sa tropa namin at syempre sa akin. Kahit ang nararamdaman ko para kay Lou, nagbago din.
Lalong lumalim.
Busy ang mga estudyante ngayon dahil next week ay periodical exam namin. Kanya kanyang review ang mga tao dito, lalo na yung mga grade consious. Isa na ako dun. Dahil muli na namang pinaalala sa akin ni Mommy yung ultimatum niya para sa akin. Kahit medyo kabado ay chill lang ako. Confident naman akong kaya kong makapasa ngayong grading. Never na ulit kasi akong umabsent pagkatapos nung 2 days kong absent dahil nagkasakit ako. Ikaw ba naman ang merong matinding motivation sa bahay at sa school, hindi ka pa ba sisipagin?
Meron na lamang kaming halos isang buwan na preparation para sa BOTB. Ini-ensayo na namin yung cover song sa ngayon pero yung original composition ay hindi pa namin napa-practice. Last week lang namin iyon natapos kaya sa Sabado pa namin magagawan ng matinong practice yung kantang iyon. Nakailang revision din kami sa lyrics non bago naging final. Wala naman akong nai-ambag halos sa lyrics pero mas marami akong naidagdag sa arrangements na sinasang-ayunan naman nila lahat. Ang madalas lang na magcontribute doon ay si Lou, Jin, Brian at Phil. Mas focused kami ni Jay sa areglo.
Nitong mga nakaraang linggo, napapansin ko na din ang pagbabagp sa sarili ko. Pakiramdam ko hindi na ako yung Donnie na bulakbol at tinatamad sa lahat. Parang pakiramdam ko gusto ko nang magseryoso sa buhay. Dati ay ginagawa kong biro ang lahat ng bagay o kaya naman ay may naiisip akong kalokohan sa lahat. Pero ngayon, bihira na lang. Mas focused ako sa pag-aaral ko ngayon. May isa lang akong hindi maintindihan sa nangyayari ngayon.
Kapag nakakasalubong ko si Maam Veron, nginingitian niya na ako. Hindi ko alam kung bakit pero laging ganun ang nangyayari. Inoobserbahan ko siya sa klase. Ganun pa din naman, masungit, laging nakasinghal at mataray.
Isang beses ay sobrang sungit niya sa buong klase, yun yung panahon na napapansin kong ngumingiti siya sa akin. Kaya naman sinubukan ko kung ganun pa din ba siya sa akin kapag tinopak siya. Nagpaalam akong lumabas sa kanya non para pumunta sa C.R. at nagulat ako dahil walang ano ano ay ngumiti siya sa akin at pumayag siya.
Ang tanong ko lang ay bakit? Ang weird.
Inaasar nga ako nung mga kaklase ko na ako lang daw ang nakakapagpabait kay Maam Veron kaya ako ang inaalay nila kapag sinusumpong si Maam, na nagugulat ako dahil nagiging effective.
Sa mga nakalipas na linggo din ay mas lalo pa kaming naging close ni Lou. Lagi kaming magkasama at para kaming hindi nagkakasawaan sa isa't isa. Lagi kaming magkausap at para kaming hindi nauubusan ng topic.
May isang beses na muntik na akong madulas sa mga sinasabi ko at muntikan ko nang maamin sa kanya na gusto ko siya. Mabuti na lang at nalulusutan ko.
Ngayon ay August 1, Thursday. Nandito kami ngayon sa bench sa tapat ng room at nakatambay. Pare-pareho kaming tahimik maliban lang kay Jay at Lolly na nagkukwentuhan. Naging kasama na din sa circle of friends namin si Lolly pero nasa Class A talaga siya kabilang. May iba din siyang kaibigan pero kapag break time ay kasama namin siya. Siya lang din ang babaeng nakakausap ni Lou ng matino.
Malapit na ang birthday ni Lou. Iniisip ko kung anong gagawin ko sa birthday niya. Marami akong pwedeng gawin pero gusto ko yung unique at hindi niya malilimutan sa buong buhay niya. Hindi niya rin naman nababanggit kaya hindi ko alam kung alam din ba ng iba.
"Kamusta na pala yung ginagawa niyong kanta para sa Battle of the Bands?" Tanong sa amin ni Lolly.
"Tapos na. Magpapractice na lang kami para doon." Sagot ni Jin.
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
RomanceAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...