Chapter 28

55 2 0
                                    

"What the-!"

"Shh! Magigising sila! Huwag kang maingay!"

"Tang... ina..."

Naalipungatan ako sa boses na naririnig ko sa loob ng kwarto ko.

Teka, sa pagkakatanda ko, kaming dalawa lang ni Ada ang nandito? Bakit ang daming boses?

Dumilat ako at kinuskos yung mata ko habang naghihikab pa. Tinignan ko yung oras sa bedside table at nakitang mag-10am na. Napahaba ang tulog namin ni Ada dahil 12mn na kami nakatulog pareho. Naramdaman kong nakayakap sa akin si Ada kaya onti onti kong tinanggal yung braso niya sa katawan ko. Tulog mantika naman itong batang ito kaya hindi agad siya magigising.

Umupo ako sa kama at ganun na lang ang gulat ko nang makita ang pinanggalingan ng mga boses na narinig ko kanina pagkagising. Nakatayo malapit sa pinto si Jay, Jin at Lou. Si Jay at Jin ay masama ang tingin sa akin at nakahalukipkip pa. Si Lou naman ay nakasandal lang sa pader at nakangiti sa akin.

Ang ganda namang bungad sa umaga ko nito. Ngiti niya agad nakita ko.

"Bakit nandito kayo sa kwarto ko?" Tanong ko sa kanila.

"Good morning din, ha!" Sarkastikong sagot ni Jay.

Inirapan ko lang siya at tuluyan na umalis sa kama. Nang makaalis ako ay inayos ko ang kumot sa katawan ni Ada.

"We need an explaination. Who's that girl?" Tanong ni Jin at tinuro pa si Ada na hanggang ngayon ay napakahimbing ng tulog.

"Be thankful na tulog mantika yan kundi nasapak ko na kayo pag nagising yan dahil sa ingay niyo."

"So protective. So sino nga siya?"

"She's Ada. My cousin. Ayos na?"

Napatango tango naman yung dalawa. "Akala namin jowa mo eh. Balak ka na sana naming sugudin nung makita namin magkatabi ko at magkayakap sa kama."

"I already told you that she's Don's cousin. Siya nga yung gusto tayong makilala." Sagot ni Lou.

"We're just making sure. Madalas kaya pinsan ang pakilala sa jowa." Sabi ni Jay at tumawa ng malakas.

Dahil sa tawa niya at narinig kong umingit ng mahina si Ada.

"Ayan na. Magigising na. Magsilabas na nga muna kayo at baka magising pa."

Agad na lumabas ang tatlo dahil sa hiya at baka maka-istorbo sila. Bago lumabas si Lou ay lumingon muna siya sa akin.

"Ang gulo ng buhok mo. Pero bagay sayo. Good morning, by the way." Ngumiti siya at tuluyan nang lumabas.

Habang ako naman ay dali daling tumakbo papunta ng banyo at tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Napasapo ako sa noo ko ng makita parang ginawang pugad ng ibon ang buhok ko. Mabuti na lang ay wala akong panis na laway sa paligid ng bibig ko. Pero may muta ako.

"Shete ka, Donnie. Nakakahiya ka." Sabi ko sa sarili ko sa salamin habang nagtatanggal ng muta sa mata.

Napagdesisyunan kong maligo na ng diretso para hindi na kami mag-agawan ng banyo mamaya ni Ada. Kahit may extra pa namang guest room dito sa bahay ay gusto niya pa rin na dito sa kwarto ko magstay. Napaka-clingy.

Nang matapos ako maligo ay sakto namang gising ni Ada. Nadatnan ko siyang nag-aayos ng higaan habang naghihikab. Nang maramdaman niya ang presensiya ko ay lumingon siya sa akin at ngumiti.

"Good morning, Kuya." Sabi niya at nagflying kiss.

"How's your sleep?" Tanong ko sa kanya.

Nag double thumbs siya sa akin at humikab ulit.

Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon