Chapter 81

69 4 9
                                        

Habang kumakain kami ay napatingin ako sa mini stage dahil may nagfeed back na mic.

"Sound check... Mic test..."

Nakita kong nag-aayos ng mic stand si Alexandrei. May nakasabit na gitara sa balikat niya at nakasaksak yun sa amplifier.

Naghiyawan at nanukso yung ilang mga ibang nasa table na kakilala nila Rhythm noong makita si Alexandrei sa stage. Napadako ang tingin ko kay Rhythm na katabi ni Tito Lloyd. Malapad ang ngiti niyang nakatitig kay Alexandrei. Wala siyang pakialam sa mga nanukso sa kanya kundi nandoon lang sa taong nasa stage ang atensyon niya.

"Hi, Rhy!" Bati ni Alexandrei at nahihiyang ngumiti.

Napuno ng tuksuhan yung buong venue. Kahit kami na nasa table ay inasar si Rhythm pero ganun pa din ang itsura niya. Medyo namumula na din.

"Ahm... Happy birthday sayo, Babe. Surprise. May pa special number ako sayo. Syempre, dapat bida bida ako." Biro niya kaya nagtawanan kami. "Prior to this day, I am actually nervous kasi baka magkamali ako sa gagawin ko. Alam ko namang magugustuhan mo to. Ganun ako ka-confident." Sabi niya at natawa. "Pero dumoble yung kaba ko ngayon kasi nandito yung idol ko. Shout out kay Ate Louielie."

"Oh my goodness..." Narinig kong sabi ni Louielie. Tinignan ko siya at nakita kong bahagya siyang nakayuko. Natawa ako sa kanya at binalik ulit ang tingin sa stage.

"Well, this song that I'm going to perform was my own composition. This is just one of my gift for you." Dugtong niya.

Onti-onting nawala yung ngiti ko. Para akong magnet na napalingon ng dahan-dahan kay Louielie na naabutan kong nakatingin na pala sa akin. Natawa ako ng mahina at ganun din siya kaya napailing na lang ako.

It reminds me of my birthday when she performs her song to me through phone call. That's the happiest birthday of my life. Hinding-hindi ko yun makakalimutan dahil yun yung panahon na nagkaroon ako ng lakas ng loob na ipagpatuloy yung nararamadaman ko sa kanya. At first, I was doubtful because she said that she already have someone in her heart. I thought it's a different person but it's me.

"Memories bring back... Memories bring back..." Pakantang sabi ni Melody at nakatingin sa aming dalawa ni Louielie.

"Oo nga no? Memories bring back nga. Hindi ba ginawan ka din ng kanta ni Ph-" hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil tinakpan niya na yung bibig ko.

"Kapag nagsalita ka pa, hindi ka na magkakajowa, Kuya." Banta ni Melody sa akin.

"Ate Melody, what's jowa po?" Biglang singit ni Julia.

"Baby cous, jowa means girlfriend or boyfriend. It's like, if you have jowa, you're in a relationship." Paliwanag ni Melody.

"Is that like when you have jowa, Ate Melody, then he could be my Kuya, too?" Tanong niya ulit.

"Yep. Just like your Kuya Rhythm, jowa niya si Ate Alex mo. Ate mo na din si Alexandrei."

"Sinong jowa mo, Ate?"

Umiling pa si Melody. "Wala."

"Ahh. Okay po." Sabi ni Julia. Akala ko hindi na siya magsasalita pero may dinugtong pa siya. "Then, I hope maging jowa ni Kuya Donnie si Ate Louielie kasi gusto ko siya maging ate." Nakangiting sabi ni Julia.

Nagtawanan sila Mommy sa sinabi ni Julia. Dahil narinig nila Tita Mercy at Tito Lloyd yun ay tumawa din sila, si Rhythm lang naman walang pakialam dahil na kay Alexandrei lang ang tingin niya.

Napa-isip tuloy ako. Nasa lahi ba talaga ng Madrigal ang matindi magmahal?

Ako naman sa kabilang banda ay gulat na napatingin kay Julia. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Hanep. Bata pa ay may ganyan na siyang nalalaman. Why is she so smart?

Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon