Chapter 64

34 3 2
                                    

"Grabe naman yung shifting ng emotion nung mga kanta. From denial, then depress, to in love. It's like a story and love has rescued her from being in the dark." Pagpuna ni Lianne sa narinig na mga kanta.

Nandito na kami ngayon sa lounge at mamaya-maya ay pupunta na ulit kami sa studio para magpractice at magrecord. But I don't think I can focus right now. Hanggang ngayon ay balisa pa din ako pero hindi ko pinapahalata.

"Wow. Ang galing ah. Nakagawa ka kaagad ng story sa tatlong kanta mo na yon." Natatawang sabi ni Jay.

Natawa naman si Lianne sa sinabi ni Jay. "Maybe nahawa ako sa bestfriend kong bookworm at sa kuya kong writer ng libro. Sila kasi lagi kong kasama kapag hindi kayo busy."

"Sinong kuya?" Tanong ni Jin.

"Si Kuya Labrant. Fiancé niya yung bestfriend kong bookworm, by the way." Sagot ni Lianne.

"Ikakasal na si Kuya Labrant?" Tanong ni Jay.

"Oo."

"Kailan?"

"Maybe next year. Kapag natapos na yung contract ni Mortelle sa pinagtatrabahuan niya. Rekta kasal na agad silang dalawa." Sagot ni Lianne.

"Mortelle? Siya yung bestfriend mo?" Pagkukumpirma ni Jin.

"Yep."

Tumango tango naman si Jin. Nagkwentuhan pa sila about doon sa producer na makakatrabaho namin. Hindi namin alam kung kailan siya magpapakita pero sana naman ay sa lalong madaling panahon.

But there's a part of me that I agree with the idea of not showing herself to us. Dahil hindi ko alam ang ire-react ko. Hindi ako natutuwa na makikita ko ulit siya. Hindi maganda itong ideyang ito na makakasama ko siya sa trabaho dahil alam kong may masamang mangyayari. Maaaring maging dahilan pa ako ng pagkasira ng binuo naming pangarap. Ayokong maging dahilan ng pagkawasak nun. Dahil alam ko naman na ako ang pinaka maaapektuhan kapag nagpakita siya. Hindi ko siya sisisihin dahil nasa akin ang desisyon. She's just a distraction to me.

"Donnie?"

Napakurap-kurap ako nung may tumawag sa akin at nakita kong si Lianne yon. Nakita ko ding nakatingin yung apat sa akin at para nagtataka sa kinikilos ko.

"Yes?" Tanong ko kay Lianne.

"Ano kako ang gusto mong kainin. Oorder ako ng take-out para makakain kayo bago magpractice." Sabi ni Lianne habang hawak-hawak yung phone niya.

"Ah.. kahit ano na lang. Ikaw na bahala." Sabi ko at isinandal yung likod ko sa backrest ng sofa.

"You're distracted again." Narinig kong sabi ni Phil.

"Kulang lang ako sa tulog. I'll just take a nap. Just wake me up when the food is here." Sagot ko.

"Okay, sige." Sagot niya.

Alam kong anytime ay makakatulog na ako dahil nagkwentuhan na sila ulit at dahil mas nakakapagpahinga ako kapag maingay sa paligid ay ilang minuto lang ang binilang ko bago ako tuluyang nakatulog.

Nagising na lang ako noong may umaalog sa balikat ko. Onti onti kong idinilat yung mata ko at nakitang si Jin pala yung nanggigising sa akin. Tinignan ko yung paligid at nakitang wala nang tao maliban sa dalawa.

"Kanina pa nakaalis yung iba. Hindi ka na din namin ginising kanina noong kumain kami kasi tulog na tulog ka at mukha kang pagod. Pero tinabi namin yung pagkain mo. Habol ka na lang doon sa studio pagkatapos mo kumain." Paliwanag niya nung mapansing tumingin ako sa buong lounge.

"Gaano katagal na akong tulog?" Tanong ko sa kanya.

"Hmm. Nearly 4 hours."

Napatango-tango naman ako. Achievement unlocked yun. Sobrang dalang na lang na makatulog ako ng lampas dalawang oras.

Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon