A/N: I'll be using various songs here in this book na kunwari ay sila ang nagcompose so ngayon pa lang po ay magsasabi na ako ng CTTO sa lahat ng songs na magagamit. I don't own those songs, gagamitin ko lang po for my story. When this book ends, I'll list down all the songs I used. Thank you guys!
-----
Sabay sabay namin tinanggal ng dahan dahan ang mga earphones namin at nagkatinginan kami lahat. Alam kong iisa lang kami ng nasa isip.
Wow.
"Kamusta? Ayos ba?" nag-aalangan na tanong sa amin ni Lou na para bang hindi siya confident sa ginawa niya.
Sabay sabay kami lumingon sa kanya upang sumagot pero wala kaming masabi.
We're literally speechless sa narinig namin. I can't still find the right words to describe the songs she composed. Hindi mo mahahalata na yung kanta niya ay gawa ng isang highschool student.
She really is gifted.
"Ang galing..." yun lang ang nasabi ko sa dami ng gusto kong sabihin sa kanta niya.
"Ikaw ba lahat yung tumugtog non o gumamit ka lang ng application?" tanong ni Jin. Maybe he is curious becuase he's into music production.
Wala lang siyang recording set kaya lahat ng kantang ginagawa niya ay nasa laptop niya lang at gumagamit siya ng application. He's good at composing songs.
Pero hindi kasing extreme level nung narinig namin na gawa ni Lou.
"Hmm. Oo. Ako lahat yan. Sa tumugtog, arrangements, editing, vocals, back-up vocals and everything."
"I feel so small." yun na lang ang nasabi ni Jin.
"Speechless pa din ako." sabi ni Jay.
"Ako din." sabi ni Brian.
"How did you do all of that? Limang kanta yung pinarinig mo sa amin. Kailan mo pa yun nagawa?" tanong ni Phil na mukhang ngayon lang nakarecover.
"Actually, yung mga gamit kong yun, kay Mama lahat yun. Siya nagturo sa akin noong first year highschool pa lang ako. Nagko-compose na ako second year highschool pa lang and then I started recording all of it when I was third year kasi medyo mahirap yun eh. Kaya inaral ko muna. Most of my knowledge are self-taught pero yung mga basics, galing kay Mama."
Namamangha kami habang nakikinig sa kanya. Hindi ko akalain na itong makulit at madaldal na babaeng ito ay may ganoong talent pa lang tinatago. I wonder kung may iba pa ba siyang talentong tinatago.
Lumingon ako sa kanya bago nagsalita. "Marami bang nakakaalam niyang talent mo? Kasi kung oo, you should be famous by now." sabi ko.
"Aside from my family, wala na. Kayo lang."
"How about in your previous school? Wala bang nakakaalam?" tanong ni Jay.
Ngumiti siya pero may lungkot sa mata niya. "Hindi. Dahil mamasamain nila doon kapag may talento ako. Iisipin nila mayabang ako." sabi niya. "Which is totoo naman." sabay hagalpak ng tawa.
Napailing na lang ako dahil sa ginawa niya. Kung hindi ko lang alam na may tinatago to, iisipin kong baliw na to eh.
Pero alam ko kung bakit siya biglang tumawa, upang pagtakpak ang lungkot sa mata niya dahil kapag nakita yon nung apat ay magtatanong sa kanya.
"May maipagyayabang ka naman eh." sabi ni Brian.
"Legit! Natithreaten ata sila sa ganda ko. Ewan ko ba." sabi niya ulit at tumawa na naman.
Maganda naman talaga siya. Yung klase ng ganda niya na kapag nahalo sa karamihan ay makikita't makikita mo pa din.
Nakatitig lang ako sa kanya habang nakikipag-usap siya sa iba naming kaibigan nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Maam Kris.
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
RomanceAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...
