Chapter 42

54 2 0
                                    

Isang buwan na ang nakalipas simula nung nagsimula akong manligaw kay Lou. Everything is going smooth. Gaya ng sabi ko kay Tito Louis, mas dinoble ko pa yung effort ko para kay Lou. Kung dati ay subtle actions lang ang ginagawa ko, ngayon ay intentional na.

Lagi pa din kaming magkasama, lagi ko pa din siyang pinoprotektahan at iniingatan, pero mas doble na ngayon. Napansin ko na naging sweet din siya at palagi siyang nakangiti. Parang ang saya saya niya sa sitwasyon namin. Masaya din naman ako, sobra pa nga. Dahil personally, masaya ang pakiramdam ko dahil may katugon sa nararamdaman ko na akala ko ay wala. Masaya din ako dahil masaya si Lou.

Kung dati ay hindi kami madalas lumabas, dahil na din sa hindi ko din naman masasabi sa kanya kung anong dahilan, pero dahil ngayong alam niya na ay madalas ko na siyang yayain. Minsan nga ay si Mommy pa ang nagpupush sa akin na ayain si Lou. Hindi ko alam kung bakit ganun si Mommy, pero alam kong masaya siya para sa akin. Si Tito Louis naman ay pumapayag sa lakad namin pero madalas ay may katakot takot na paliwanag ang kailangan. Kahit sanay na ako na kausap si Tito ay minsan ay kinakabahan pa din ako.

Napakurap-kurap ako nang biglang may nagsnap ng daliri sa harap ng mukha ko. Nang tignan ko iyon ay si Lou pala kaya napangiti agad ako sa kanya.

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya sa akin.

Agad akong tumango para itago yung iniisip ko kanina pa. "Yeah. Ayos lang ako."

"Mukhang ang lalim ng iniisip mo. May problema ka ba?"

Huminga ako ng malalim at yumuko. "Tita Mercy invited mo to their house this coming weekend."

Tumaas yung dalawang kilay ni Lou. "Oh, edi mabuti. At least you are going to have a bonding with them. Anong kinakalungkot mo?"

"Hindi pa din alam ni Mommy. Tita Mercy even told me to bring Mom with me."

Natigilan siya at napaisip. "Hmm. Kahit hint, hindi mo pa din siya pinapakitaan?"

Umiling ako bilang tugon at umakto naman siya na nag-iisip. "Based on your observation, okay lang ba si Tita Jen emotionally, mentally and physically ngayon? Stable ba siya?"

Nagtataka naman akong tumango sa kanya. Sigurado akong ayos lang si Mommy ngayon. Mararamdaman ko naman kung hindi eh.

"If that so, then tell her. Everything. Kung ang iniisip mo ay yung emotional and mental state ni Tita Jen at sabi mo naman ay stable siya, then it's fine. I'm sure she'll understand. Maybe magugulat siya kasi nakilala mo yung mga relatives mo sa father side ng hindi niya alam. Pero iexplain mo kung paano mo nalaman. Hindi ba, kinoconsider na din naman niya na kausapin yung Dad mo?"

Huminga ulit ako ng malalim at tumingin sa malayo. Pinag-iisipan ko na yun simula nung kinausap ako ni Tita Mercy.

"Donnie, free ka ba this weekend?" Bungad sa akin ni Tita Mercy nung pinasunod niya ako sa faculty room.

Eto yung unang beses na mag-uusap kami ng personal simula nung malaman ko na magkamag-anak kami. Nakakaramdam ako ng awkwardness but since I am already used to be close to Melody, parang na-lessen yung nararamdaman kong ilang.

"Po? Bakit po?"

"Let's have dinner there. You can bring Jenina, too." Sagot niya nang nakangiti.

Umawang ang labi ko dahil sa narinig. Hindi ko alam yung sasabihin ko dahil don.

"Ahm. Hindi ko pa po kasi nasasabi kay Mommy na kilala ko na po kayo." Yun lang ang nasagot ko matapos ng mahabang katahimikan namin.

"Why is that?"

Napayuko ako bago sumagot. "I have reasons po, Tita. I can't tell you right now."

Ngumiti naman ng tipid sa akin si Tita Mercy at tumango. Tumingin siya sa akin ng puno ng pag-intindi. Kahit matagal ko nang alam na Tita ko siya, nakakapanibago pa din ngumingiti siya sa akin. "Okay. I understand. Pero subukan mo lang na sabihin. Maiintindihan niya naman siguro yun."

Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon