Chapter 17

75 3 0
                                        

"Car accident. Ayon sa kwento sa akin ng Tito Louis mo, papunta daw siya sa school noon ni Louielie, pero bago pa siya doon makarating ay may nakasalpok siyang papasalubong na delievery truck. She was reported as dead on arrival noong nasa ospital na. Hindi na nila na-revive si Maris." malungkot na kwento sa akin ni Mommy.

Nasa mukha ko pa din ang gulat at pagkabigla sa nalaman ko. Hindi ko akalain na ganun yung nangyari sa Mommy ni Lou.

"Kailan pa, 'mmy?" tanong ko.

"Last 2 years ago. Ang kwento pa nga sa akin ni Louis ay medyo nagmamadali pa daw nun si Maris dahil papanoorin niya pa mag-audition si Louielie sa school. Alam daw nila lahat na hindi nakakatugtog si Louielie ng wala si Maris kaya gusto niyang pumunta talaga at ayaw niyang palampasin yun." huminga siya ng malalim bago nagsalita ulit. "Noong oras din na yun ay umaatake ulit yung sakit ni Maris, bumabalik sa kanya yung epekto ng karamdaman niya. Nawawalan daw ulit siya ng peripheral vision kaya hindi niya napansin yung babangga sa kanya. Kaya din noong mawala si Maris, halos isa't kalahating taon daw hindi nakatugtog si Lou dahil sinisisi niya yung sarili niya kung bakit nawala ang mama niya."

Nang sinabi yon ni Mommy ay bigla kong naalala yung usapan namin noong nakaraang linggo sa playground. Because of her, everyone around her suffered. She really is blaming herself. And I feel sad for her.

"Pero Ma... Nakakatugtog na siya ulit." sagot ko kay Mommy.

Namamangha naman niya akong tinignan. Parang hindi siya makapaniwala na totoo ang sinasabi ko.

"Wait, wait, wait! You already saw her play?"

Tumango naman ako bilang tugon sa kanya kaya naman mas lalo siyang nagulat pero unti unti ding ngumiti.

"Maris would be really proud of her because she continued her passion. Louis and Kristal, too, because she finally overcome her fears after what happened to their family." she softly said.

"Pero... Diba hindi siya nakakatugtog ng maayos kapag wala yung Mama niya.? I wonder how she does it perfectly." sabi ko. "I tell you, Mom, she's really great in playing instruments. Napakatalented ni Lou at hindi ako makapaniwala na magagawa niya lahat ng iyon kahit bata pa siya." dagdag ko pa na puno ng paghanga sa kanya.

"Do you like her, Anak?"

Parang tumigil sa pagfunction ang utak ko dahil sa tanong sa akin ni Mommy.

I clearly know the answer. I just don't know how to say it or if this is the tine to tell others about how I feel towards her. And also, I know what I feel for her is still shallow. Hindi pa ganun kalalim at hindi pa ganun katatag.

Pero alam kong, onti na lang. Onting onti na lang, mahuhulog na ako ng tuluyan. At kung mangyari man yon, alam kong yon ang pinakamasayang pagkahulog ko sa kung saan sa tanang buhay ko.

"You don't have to answer me now. If you really are sure to your feelings, you'll immediately answer me at hindi ka na magdadalawang isip. I know you." sabi ni Mom nang hindi ako nagsalita ng matagal.

Natapos na akong kumain at nagliligpit na lang ng pinagkainan ko nang may maisip akong itanong kay Mommy. Nandoon na siya sa kwarto niya at paniguradong naghahanda na para sa pagtulog niya. Pero minsan ay late siya natutulog lalo na kapag may mga inuuwi siyang trabaho dito sa bahay.

Pagkatapos kong maghugas ay umakyat ako sa taas namin pero hindi muna ako dumiretso sa kwarto ko kundi sa kwarto muna ni Mommy.

Nang maka-akyat ako ay kumatok ako sa pintuan ng kwarto niya. Nilapit ko ang tenga ko sa pinto upang pakinggan ang nasa loob. Narinig kong may kaunting ingay pa kaya possible ay gising pa siya.

Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon