Chapter 62

45 3 0
                                        

"Oh my goodness! Kuya!"

Bigla mang nagising ay hindi muna ako nag-abalang dumilat kahit sobrang nagising yung diwa ko dahil sa pagsigaw ng kung sino. Hindi ko na din naman kailangan tignan kung sino yung biglang nambulabog ng tulog ko dahil alam na alam ko naman kung sino yun. Mukhang hindi pa nakuntento yung taong yun at lumapit pa sa akin.

"Kuya, you're here! Yehey! You're here! You're here!" Inalog-alog niya ako sa balikat habang parang tuwang tuwa na sumisigaw.

Nung hindi ako gumalaw ay naramdaman kong umakyat siya sa kama ko at tumalon-talon.

"Yehey! Yehey! Yehey!"

Paulit-ulit niyang sigaw habang talon-talon sa kama ko. Alam kong hindi siya titigil hangga't hindi ako nakikitang gumagalaw at gumigising kaya naman ay agad akong bumangon at hinablot siya sa braso nang hindi niya nakikita dahilan para mapahiga siya. Kinulong ko siya sa braso ko at tinakluban ng kumot.

"Wah! Kuya, let me go! Let me go! I can't breath, Kuya!" Sigaw niya sa loob ng kumot at naramdaman kong nagpupumiglas.

"You disturb my sleep, Julianna Dane! That's your punishment!" Nanggigigil na sabi ko at kiniliti pa siya sa loob ng kumot.

"I was just excited because you're here! I don't see you for a week, Kuya! Please, let me go!" Sigaw niya ulit.

"No." Sagot ko.

"Please, Kuya! I missed you!"

"No."

"I love you, Kuya! Please, let me go!" Malambing na sabi niya.

"Magic words?" Tanong ko sa kanya.

"My Kuya is so handsome!" Masiglang sabi niya.

"Good." Inalis ko yung kumot ko na nakatakip sa kanya. Nung makaayos siya ng upo ay agad niya akong sinugod ng yakap na mahigpit. Agad ko din siyang niyakap

"I missed you so much, Kuya!" Sabi niya at pinugpog ako ng halik sa magkabilang pisngi ko.

"Na-miss din kita, Baby." Sabi ko at ako naman humalik sa pisngi niya.

Dahil na-miss ko siya at nanggigigil ako sa kanya kiniliti ko din siya. She laughed and giggled because of what I did. Nahawa na din ako nang dahil sa tawa niya.

"Tama na, Kuya! Hingal ako!" Sabi niya at yumakap na naman.

"How are you theses days? Studying well?" Tanong ko.

"Yes po! I have many stars on my worksheets. I'll show you later." Masayang sabi niya.

"Okay. Ipakita mo sa akin." Sabi ko at kinurot yung pisngi niya.

"Can I borrow your phone, Kuya Dondon? Palaro ako ng games, please po?" Sabi niya at naglalambing na ngumiti sa akin.

Napangiti ako sa itsura niya. Para kasi akong nagsasalamin. "Sure. Nandun sa table ko."

"Yehey!" Humalik siya sa pisngi ko. "Thank you. Love you!" Sabi niya at umalis sa kama ko. Pumunta siya sa bed side table ko at kinuha yung phone ko. Bumalik siya sa kama at umupo sa pagitan ng hita ko at sumandal.

She knows my password kaya naman ay agad niya yon nabuksan. Pumunta agad siya sa larong lagi niyang nilalaro at hindi na nagpa-istorbo.

Habang naglalaro siya ay nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko maiwasang mamangha dahil ang tagal na palang panahon ang lumipas. Everytime na tumitingin ako sa kanya ay narerealize kong ilang taon na din pala ang lumipas. Pitong taon na pala.

She's Juliana Dane, but I call her Julia, my little sister. She's now 6 years old turning 7, grade 1 and very smart kid. Napaka-fast learner nitong batang to at napaka-observant. But the good things is, she's very kind and sweet.

Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon