"You, guys, choose. I'm fine with either of the two." Sagot ni Louielie at kumain ulit.
"Let's vote! Except kay Louielie." Sabi ni Jin.
"KLWKN!" Sabi ni Jay.
"Ako din." Sabi ni Brian.
"Tambay." Sabi ni Phil.
"Same." Sabi naman ni Jin.
I gaped at them after they said their votes. "What the hell?"
"Tie breaker ka, Donnie. Boto na." Sabi ni Jay.
"Is this a battle between logical and happy-go-lucky people?" Sabi ko na nakangiwi dahil parang ganun nga yung hatian.
Napatingin kaming lahat kay Louielie na biglang umubo dahil nasamid. Inabutan agad siya ni Jay ng bottled water para makainom. Nang mahimasmasan siya ay bigla siyang tunawa.
Napatulala ako sa kanya ng ilang segundo. Kahit pigilan ko, alam ko sa sarili kong namiss ko yung tawa niya.
"Natawa ako sa sinabi ni Donnie. Kasi parang ganun nga yung nangyari sa hatian ng boto niyo." Sabi niya at umiling-iling pa.
"Kung ganun nga ay wala na kaming pag-asa ni Jay. Masyado nang seryoso sa buhay si Donnie, eh." Sabi ni Brian.
"Ganun siguro pag nasaktan." Sabi ni Jay.
"Eh anong nangyari sa inyong dalawa ni Brian?" Nakangising sabi ni Louielie kaya natahimik yung dalawa. Tumawa naman si Phil at Jin dahil don.
"Anyway, bumoto ko na, Donnie. Para pwede na nating pasadahan yung mapipili." Sabi ni Jin.
Napa-isip ako at pinakiramdaman yung sarili ko. Kung irerelate ko sa concept ng album namin, hindi related yung Tambay, but that's how we feel. Yung KLWKN naman, in line pa din siya sa concept ng album pero, wala namang nakakaramdam ng ganun sa amin.
Napakagat ako sa labi habang nag-iisip. Kung ako naman ang tatanungin, personally, gusto ko yung...
"KLWKN." Mahinang sabi ko pero narinig ni Jay kaya pumalakpak agad siya.
After kumain ay bumalik na kami sa studio. Naabutan namin si Mark doon na nasa monitor pa din at naglilinis pa ng kanta.
"Malapit na ba matapos yan?" Tanong ni Louielie at tinignan yung ginagawa niya.
"Medyo. Bakit? Yayayain mo ba ako mag-date?" Sabi ni Mark nang hindi tumitingin sa kanya.
Napataas ang kilay naming lahat dahil sa narinig at lahat kami ay napatingin kay Mark. Saglit ko lang siyang tinignan at dumako ang tingin ko kay Louielie na nakatingin ng matalim sa kanya.
"Tara sa live room." Sabi niya at nauna nang pumasok doon.
Nagkaroon bigla ng mabigat na atmosphere sa loob ng control room dahil sa sinabi nung lokong Mark na yun. Hindi ko na masyadong pinansin yun dahil baka makapagsalita ako ng hindi maganda kaya sumunod na lang ako sa live room.
Nang makapasok ako ay nasa Keyboard na si Louielie at nagse-set up na ng effects. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya habang nagkakalikot siya sa buttons ng Keyboard. Sobrang seryoso niya at parang walang makakapuknat ng kaseryosohan na yun. All you can see is passion. Kahit simpleng actions lang yun, makikita mo talagang gusto niya yung ginagawa niya.
Nang makapasok na yung apat sa live room ay nagsimula nang ipaliwanag ni Louielie yung gagawin namin sa KLWKN.
"KLWKN was originally composed based on my key. Pero dahil girl scout ako, na-transpose ko na din yun sa pang-lalaki na key. Tapos iba ang areglo at full band." Sabi niya at ngumiti ng tipid. "Balak ko naman kasi talagang ipatugtog sa inyo yon dati pa kaso..." Nagkibit balikat lang siya habang ako naman ay napaiwas ng tingin.
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
RomanceAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...