A/N: Dahil mahal ko kayo. Hahaha.
I-publish ko na to. Mamaya magloko na naman watty ko at mawala din to. Yung sinulat ko kasing chapter 86, nawala haha. Kaya yung maa-update kong chapter 86 mamaya, oo mamaya, hindi na yun yung original.
Enjoy reading, bibi's!
----
Nang makarating kami sa bar ay may mga nakikita na akong ibang tao na nandun. Yung ibang production crew na nakasalubong namin ay binabati kami at kino-congratulate. Binabati din namin sila pabalik pero hindi ganun katagal dahil gusto na namin lahat dumiretso sa pwesto kung saan kami nakareserve.
Hindi pa ganun kaingay sa bar dahil malapit pa lang mag 10pm pero marami na ding tao. Marami na din akong nakikitang nag iinuman.
Agad akong sumalampak sa couch doon nang makarating kami at pumikit saglit.
"Hindi pa tayo umiinom, tulog ka kaagad?" Natatawang sabi ni Jay.
"Loko. Hindi ako tulog." Sabi ko at umayos ng upo.
May dumaang waiter sa amin kaya nagsimula na din kaming umorder. Sagot ng Kingston ang lahat ng oorderin namin kaya hindi na kami mag-aasikaso ng bill mamaya. Hindi na kami matagal naghintay at dumating agad yung order namin kaya nagsimula na kaming kumain at mag-inuman.
Ilang minuto ang hinintay namin at dumating na din ang lahat ng bumuo sa concert. Nandun din yung mga executive ng Kingston para makicelebrate. Nung makita nila kami ay nilapitan nila kami.
"Congratulations on your successful concert!" Bati nung president namin at tumingin sa akin. "How's your leg?"
"Ayos na po, Sir." Sagot ko at magalang na ngumiti.
"Great. Buti na lang at nandun si Louielie." Sabi niya at tinapik ako sa balikat. "Anyway, balik na ako dun sa table. Enjoy your victory, okay? Congrats ulit."
"Thank you, Sir." Sagor namin.
Pagkatapos lumapit nung president namin ay si Sir Jake naman ang lumapit sa amin at naki-upo pa sa table namin.
"You really did a great job earlier! I can't believe that you can really execute that kind of circumstances! And this is the best concert you ever had, so far!" Sabi niya sa amin, medyo garalgal na ang boses niya marahil ay nakainom na siya.
"Thank you, Sir Jake! Salamat din sa tulong mo." Sabi ni Jin.
"Oh, wala naman talaga akong ginawa doon. Kay Louielie lahat yon." Sabi niya at natigilan bago parang may hinanap. "By the way, where is she? I'll congratulate her for a job well done."
As if on cue, may nakita akong dalawang babaeng naglalakad palapit sa amin. Dahil sa patay sindi na ilaw dito sa bar ay hindi ko sila masyadong maaninag pero nung makalapit pa sila ay saka ko lang sila nakita.
It's Lianne and Louielie.
"Ayun sila." Sabi ni Jay na siyang katabi ko sabay turo sa dalawa na papalapit.
Tinignan kong mabuti yung itsura ni Louielie dahil iba na yung ayos niya kumpara kanina. Kanina ay nakalong sleeve blouse siya na nakatuck in sa high waisted black pants niya at naka sneakers kaya nakakagalaw siya ng maayos at komportable.
Ngayon, ang suot niya ay maroon off-shoulder crop top at a-cut denim skirt. Dahil hindi naman sobrang high waist yung suot niyang pang-baba ay nakikita yung bewang niya. Nakalugay yung buhok niya at nakita kong naka light make up din siya. Naka-sneakers pa din siya gaya ng suot niya kanina. Nakaayos din si Lianne at parang handang-handa talaga sila sa celebration na to.
"Aba! Kaya pala bigla kayong nawala! Nag-ayos pa pala kayo!" Sabi ni Jay noong makaupo yung dalawa. Nasa tapat ko sila pareho.
"Louielie! Good job ka kanina!" Sabi ni Sir Jake at nagthumbs up pa.
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
RomanceAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...
