Chapter 71

45 3 1
                                    

"Meeting ajourned. Thank you so much for your time. Have a great day." Sabi ni Mommy at ngumiti.

Gusto kong magbunyi dahil sa wakas ay natapos na ang board meeting at bilang si Mommy ang CEO at President, siya ang nagtapos ng meeting na yon. Nagpapasalamat ako dahil nakikita niyang nagmamadali ako kaya mabilis niya na din tinapos yung meeting.

It's already 3pm at kahit hindi ako tinitext o tinatawagan ng mga kabanda ko ay alam kong nandun na sila sa Kingston at naghihintay sa akin. Ayokong magpa-special sa kanila dahil kahit kaibigan ko sila ay ayokong i-take advantage yun dahil may sari-sarili din silang gawain na dapat gawin.

Isa-isang nagsi-alisan yung mga tao doon matapos kamayan si Mommy at minsan ay nadadamay ako. Nang kami na lang ni Mommy ay agad akong lumapit sa kanya.

"Mom, I have to go. Late na ako sa practice namin." Sabi ko nang makalapit ako

"Anong oras ba yung practice niyo?" Tanong niya.

"2pm."

Nanlaki yung mata niya. "What? You should have told me at umuna ka na lang sanang umalis kahit hindi pa tapos yung meeting. The board members will understand."

"But it is my responsibility, right? Hindi na nga ako madalas makita sa company, aalis pa kaagad ako sa meeting na twice a year lang nangyayari."

Napangiti si Mommy sa sinagot ko. "Thank you for taking the responsibility, Baby. Pero mamaya na tayo mag-usap. You should go now. Baka kanina pa naghihintay mga kabanda mo."

Tumango ako. "Bye Mom. See you later." Sabi ko at humalik sa pisngi niya.

"Take care, okay?" Pahabol niyang sabi.

Mabilis akong naglakad patungong elevator. Nang makababa yun sa basement ay agad akong nagmadaling pumunta sa kotse ko. Habang binubuksan yung kotse ko ay dinial ko na yung number ni Phil.

"Hello, san ka na? Tapos na board meeting niyo?" Tanong niya noong sagutin niya yung tawag.

"Yes. Kakatapos lang. I'm sorry, I'm late. Nagsisimula na ba kayo?" Tanong ko habang nagsiseatbelt.

"Yep, kanina pa. Si Louielie muna yung nag-sub sayo."

Natigilan ako sa pagbanggit niya ng pangalan ni Louielie. Naalala ko na naman tuloy yung usapan namin kahapon.

"Okay. I'll be there in 30 minutes." Sabi ko at sinimulan nang paandarin yung kotse ko.

"Sure. Drive safely." Sabi niya.

"Okay. Bye." Sabi ko at binaba na yung tawag. Inilagay ko sa dashboard yung phone ko at nagfocus na sa pagmamaneho.

Mabuti na lang din at walang masyadong traffic kaya nakarating agad ako sa Kingston. Hindi na ako nag-abalang magbihis pa dahil anong oras na kaya nang makapasok ako sa studio ay napatingin agad sila sa akin at sa suot ko.

"Wow. Executive na executive ah." Asar ni Jay.

Nakasuot kasi ako ng dark gray office suit, white long sleeve polo, black shoes at may necktie pa. Ang pormal ng suot ko kumpara sa suot nilang casual lang.

"Hindi na ako nakapagbihis. Late na ako." Sabi ko habang tinatanggal yung jacket ko at niluluwagan yung necktie. "Ano nang ganap?" Tanong ko sa kanila pero dumako yung tingin nila kay Louielie kaya ganun din ang ginawa ko.

Nakita kong nakatitig siya sa akin pero noong mapansin niyang nakatingin din ako ay agad siyang umiwas at tumikhim bago magsalita. "Pasada nung anim na kanta. Pero rest muna ng 30 minutes." Sabi niya pero nakaiwas yung tingin sa akin

"Okay." Sagot ko habang tinatanggal ng tuluyan yung necktie at tinutupi yung polo ko hanggang sa siko ko. Pumunta na lang ako sa sofa kahit gusto kong ngumisi dahil sa actions niya. I still have an effect to her, huh.

Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon