Chapter 78

55 4 4
                                        

"Salamat sa paghatid. Pasensiya na sa abala." Mahinang paalam sa akin ni Louielie nung maihatid ko na siya sa bahay nila.

Nagprisinta na din akong ihatid siya kanina habang nasa studio kami dahil baka hindi siya makabyahe ng maayos sa ganung sitwasyon.

"No problem. Pahinga ka na. Good night." Sabi ko at pinat yung ulo niya

Nakita kong nagulat siya pero ngumiti lang ako. "Alis na ako. Kung hindi mo kaya pumasok bukas, magsabi ka lang."

"Sige."

"Okay. Alis na ako." Sabi ko at tumango siya.

Tumalikod na ako at pumunta sa kotse ko. Pagkabukas ko sa pinto ng drivers seat ay napansin kong hindi pa siya pumapasok sa gate kaya nilingon ko siya. Nakita kong nakatingin siya sa akin at mukhang hinihintay yung pag-alis ko. Kaya naman itinukod ko yung dalawa kong braso sa pinto ng kotse ko at humarap sa kanya.

"May kailangan ka pa ba?" Mahinahong tanong ko sa kanya.

Umiling naman siya. "Wala naman. Hinihintay lang kita na makaalis bago ako pumasok."

"Huwag na. Pasok ka na sa inyo. Saka ako aalis." Nakangiti sabi ko sa kanya.

Napakamot siya sa ulo niya. "Sige na nga. Bye. Ingat ka."

Tumango lang ako sa kanya kaya tumalikod na siya pero bumangga yung balikat niya sa poste ng gate nila kaya napatayo ako ng maayos. Papunta na sana ako aa kanya pero pinahinto niya ako.

"Okay lang ako. Okay lang. Sanay na ako." Natatawang sabi niya.

Kahit pinahinto niya ako ay pinuntahan ko pa din siya. "Saan yun masakit sayo?" Nag-aalalang tanong ko.

"Wala. Okay lang ako." Sagot niya.

"Sigurado ka?"

"Yeah. I'm fine."

"Mag-ingat ka, next time. Baka hindi na balikat mo yung mabunggo, baka ulo mo na." Sabi ko sa kanya.

"Yeah, yeah." Natatawang sagot niya.

"Seryoso ako, Louielie."

"Oo nga. Alam ko. Mag-iingat na ako."

Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Sige na. Pasok na. Mag-ingat ka papasok sa bahay niyo. Madilim na."

"Yes, boss. Ba-bye." Paalam niya sa akin at pumasok na ng tuluyan sa gate.

Napailing na lang ako at bumalik na sa kotse ko. Pagkapasok ko ay agad kong kinuha yung phone ko at tinawagan si Lianne. Agad naman siyang sumagot pagkalipas ng ilang ring.

"Hello, Lianne? Nagawa mo na yung tinext ko sayo?"

Narinig kong huminga siya ng malalim. "Yes. Pero hindi ko pa narirelease. Are you sure about this?"

"Hindi ko yan ipapagawa kung hindi ako sigurado. Para matigil na yung tao sa mga judgements nila." Sagot ko at binuksan na yung makina ng kotse ko. Ni-loud speak ko yung phone ko at nilapag sa dashboard.

"This might affect Louielie more." Sagot niya.

Pinaandar ko na yung kotse at nagsimula na akong magmaneho pauwi. "Pero hindi na siya ang magiging focus ng topic kundi ako. I don't care if that ruined my image, I just can't bare to see those people judging her. Mas mabuti nang ako yung maging masama sa mga mata ng mga tao kaysa siya."

"Pero babalaan na kita, maaaring makaapekto to sa buong banda niyo." Sagot ni Lianne.

"I already texted them about my plan, and they all agreed dahil iniintindi din nila si Louielie."

Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon