Thursday pa lang ay magaling na ako sa sakit ko kaso yung Mommy kong sobrang mag-alala ay hindi ako pinapasok muna ng 2 days kaya in the end, Friday na ako nakapasok ulit.
Parang ang weird sa pakiramdam dahil ngayon na lang ulit ako um-absent ng 2 days straight. Aminado akong umaabsent talaga ako ng ganyan dati kahit walang dahilan dahil nga bulakbol ako datim pero ngayon, dahil gusto ko nang magbagong buhay, parang nakakahinayang yung 2 days.
Nung mga araw na nasa bahay lang ako at nagpapahinga ay lagi ding pumupunta si Lou. Sinasabi niya sa akin yung mga ginawa at pinag-aralan. Binigay niya din yung mga notes niya sa akin. May mga pagkakataon na siya ang nagsusulat sa notebook ko pero hindi ko siya hinahayaan kaya naman ay ako na ang nagsusulat ng iba. May tatlong quiz kami na kailangan kong i-take. Kaya medyo problemado ako ngayon.
Happy birthday to me! Yey! Insert sarcasm.
Hindi ko alam kung nakalimutan ba ni Mommy yung birthday ko. Pero hindi niya ako binati kaninang umaga. Basta na lang siya nagpaalam sa akin na papasok ng trabaho.
Hindi na ako nagreklamo dahil madalas mangyari ito. Hindi ko na din naman masyadong pinapaalala sa lahat dahil parang ang papansin naman nun. Pero iba pa din yung pakiramdam na may babati sayo.
Naglalakad na ako papunta kila Lou ngayon habang bitbit yung notebook ko na pinagsulatan ko ng mga kailangan ireview para sa quiz. Ang ititake kong quiz ay Filipino, English at MAPEH. Hindi naman daw masyadong mahirap yun kaya onting basa lang ang ginagawa ko. Kailangan ko lang talaga itake para hindi makaapekto sa grades ko.
Nang makarating ako sa bahay nila ay nagdoorbell na ako. Narinig kong may nagbubukas ng gate kaya naman ay hindi na ako pumindot pa ulit.
Bumungad sa akin ang nakangiting si Lou. Napaka-aliwalas ng itsura niya at kitang kita sa kanyang masaya siya ngayon sa araw na ito. Kaya naman kahit papaano ay nawala na yung bigat ng pakiramdam ko.
Buo na yung araw ko.
"Don! Magaling ka na?" Bungad niya sa akin. Lumapit siya at sinapo yung noo ko. "Oo nga. Magaling ka na."
"Parang hindi tayo magkasama kahapon ah. Tsaka nung isang araw pa ako magaling."
Tumawa lang siya at niyaya ako sa loob. Nang makapasok kami ay dumiretso kami sa dining area nila at naabutan ko doon si Tito Louis, Ate Kris at Kuya Red.
"Oh! Nandito ka na! Mabuti naman at makakapasok ka na. 2 days ka nang absent." Sabi ni Ate Kris nang makita ako.
Lumapit ako kay Tito Louis at nagmano bago sumagot kay Ate Kris. "Kahapon pa po ako magaling, Ate. Ayaw lang muna ako papasukin ni Mommy."
"Hindi ko masisisi si Tita Jen. Only child ka eh." Natatawang sabi niya bago magsimulang kumain. Hindi na siya nag-abalang kumuha pa ng sariling niyang pagkain dahil si Kuya Red na ang gumawa nun para sa kaniya.
Umupo na ako sa usual kong upuan at nagsimula na kaming kumain habang nagkukwentuhan at nagkakamustahan. At dahil sa kwentuhan na iyon ay kahit ako mismo ay nakalimutan kung anong meron ngayong araw kaya nagulat ako nang binati ako ni Tito Louis bago kami umalis
"Sumabay na lang kaya kayo sa amin?" Sabi ni Kuya Red bago pa kami makalabas sa school.
"Nako. Issue yon, Kuya. Sabihin pa na sipsip kami. Kaya hindi na po muna." Sagot ni Lou.
Napatango tango naman siya at parang naisip niya din yung sinabi ni Lou na may punto.
Nang makarating kami sa school ay maraming bumabati sa akin na mga estudyante at yung iba kong kakilala ay may binibigay pang regalo na malugod ko namang tinatanggap.
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
Storie d'amoreAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...
