"You want to talk to Mom?" Sabi ni Melody habang naglalakad kami papunta sa canteen kung nasaan yung iba naming kasama.
Marami pa ding mga estudyante na walang kapagurang lumilibot sa school. Kaya maraming tao sa school grounds. At dahil may kasama akong 'famous', ay pinagtitinginan nila kami. Natatawa ako dahil may naririnig akong, 'bakit si Melody yung kasama niya? Nasaan si Louielie?' and the likes.
"Is she busy?" Tanong ko.
"Medyo. Pero hindi naman gaano. Gusto mo, punta ka na lang sa bahay kapag may time ka. Para mameet mo din si Daddy."
"Taga saan ba kayo?"
"Sa North Gate Subdivision kami."
"S-si Daddy, taga doon din ba?"
Agad siyang umiling. "Doon pa din siya nakatira sa dati niyong bahay."
Kapag nababanggit talaga yung dati naming bahay ay hindi ko maiwasang malungkot at alalahanin kung ano ba yung nangyari doon. May nga masasaya akong ala-ala doon ngunit natatakpan yung mga ala-ala na yun ng huling pangyayaring nandoon ako sa bahay na iyon. Siguro, hindi ko muna nanaising bumalik doon.
"Nasabi mo na ba sa Mama mo na nagkita kayo?"
Umiling ako. "Hindi pa. Ayoko munang sabihin. Hindi ko din naman alam kung paano."
"Hmm. That's fine. Just take your time "
Nakarating kami sa canteen at nahanap kaagad ng mata ko kung nasaan sila, syempre para kayang may magnet yun kay Lou. Lumapit na kami sa kanila at agad akong tumabi kay Lou na may bungad na ngiti sa akin.
"Naka-order na kayo?" Tanong ko.
"Hindi pa. Inaantay namin kayong dalawa." Sagot ni Jin.
Tinignan ko yung mga kasama namin dahil parang dumami kami. Ayun pala ay nandito din si Trina.
Hindi ko alam kung babatiin ko ba siya o hindi. Pero in the end ay binati ko na lang. Nginitian niya naman ako at kumaway pa.
"Teka lang." Biglang sabi ni Jin. Napatingin naman kami sa kanya. Nakita naming nililibot niya yung tingin niya sa amin.
"Lilipat na lang ba ako ng upuan?"
"Bakit?" Tanong ni Jay.
"Takte. Para akong 9th wheel dito."
Doon ko lang narealize na parang ganun nga ang nangyari dahil parang siya lang ang walang partner. Well, technically, si Brian at Trina lang ang official dito. Yung iba ay pang-aasar niya lang. Isa na ako don.
"Gagu. Pare-pareho lang tayong walang jowa dito. Pinagsasasabi mo dyan?" Sabi ni Melody.
Nagpantig yung tenga ko sa pagmumura niya kaya naman ay agad akong umamba ng pitik at itinapat yon sa bibig niya. Agad naman siyang nagtakip ng bibig at inilayo yung mukha niya sa kamay ko.
"Oops. Sorry." Narinig kong sabi niya habang nakatakip yung bibig.
"Sinabihan na kita kanina, habang nag-uusap tayo."
*Sorry na nga eh. Nakalimutan ko lang."
Sinamaan ko siya ng tingin. Nagpeace sign lang naman siya. Loko loko talaga.
Umorder na kami ng makakain namin at nung nandun na yung pagkain ay sinimulan na namin kainin ito. Nagkwentuhan lang kami ng mga kung ano anong bagay. Nag-usap usap din kami ng mga ilang reminders para sa Battle of the Bands. Gusto kong patigilin si Jin sa pagsasalita pero baka magtanong siya kung bakit.
Mabilis lumipas ang araw at ngayon ay Friday na. Ito na ang araw na pinakahinihintay namin. Dito na magpipaid-off yung mga efforts namin sa pagpapractice. Ang Battle of the Bands.
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
RomanceAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...