Nang makapasok kami sa auditorium ay bumungad sa amin ang magarbong design sa buong venue. Ang liwanang ng venue dahil sa kinabit na chandelier. Pinaghalong gold, yellow, white at black ang motif ng event. Wala namang nirequire na kulay ng isusuot kaya random colors lang din ang suot namin.
Halos nasa gilid ang mga table. May malaking space sa gitna ng venue, marahil ay para mamaya iyon sa sayawan. Ganun din ang kulay ng mga mantle sa tables. Nakadipende din sa motif designs. Random ang pwesto ng mga tables. Kahit magsama sama ang ibang section ay okay lang.
Kanina ay nagtext sila Phil na nandito na daw sila kaya naman nililibot ko yung paningin ko para mahanap sila. Hindi rin nagtagal ay nakita ko na din kung saan yung pwesto na napili nila. Nilingon ko si Lou at nakita kong namamasid-masid din siya sa buong paligid.
"Ayun na sila, Lou. Punta na tayo dun." Sabi ko sa kanya. Lumingon siya sa akin at ngumiti.
Naglakad na kami papuntang table. Medyo malapit yun sa harap ng stage. Ang unang nakakita sa amin nung palapit kami ay si Jin kaya kumaway siya sa amin. Nakita kong katabi niya si Lianne. Nandun na din si Phil at katabi niya naman si Melody na hindi ko kaagad nakilala dahil ngayon ko lang siyang nakitang naka-ayos. Walang kasamang date sa Jay pero hindi yun ang pinaka napansin ko. Ang nakakagulat ay yung kasama ni Brian.
"Hi, Sab!" Bati ni Lou sa kasama ni Brian.
Kung oobserbahan silang dalawa, parang hindi lang sila basta magkasama lang na pumunta dito. Nakaakbay si Brian sa sandalan ng upuan ni Sab at sobrang lapit nila. May hindi ako alam sa dalawang to.
Inalalayan ko munang makaupo si Lou bago ako tumabi sa kanya. Medyo inilapit ko yung upuan ko sa kanya dahil bahagya niya ako hinila.
"Lapit ka sa akin. Clingy mode ako ngayon." Sabi niya kaya natawa na lang ako at sinunod siya.
"Nag-usap kayo ng kulay ng susuutin no?" Asar sa amin ni Jay.
Saka ko lang narealize na pareho nga kami ng kulay ng suot noong tinignan ko yung suot ko at suot niya. Kaya pala pinagtitinginan kami kanina ay dahil parang terno yung suot namin.
"Hindi ka naman maniniwala kapag sinabi naming hindi eh." Sabi ni Lou.
"Hindi nga. Bakit? Hindi ba kayo nag-usap?" Paninigurado ni Jay at naglean pa sa lamesa para lumapit sa amin ng onti.
"Hindi." Sabay naming sabi.
"Weh?" Mapanghinalang tanong niya.
"Tignan mo na!" Asar na sabi ni Lou kaya tumawa lang si Jay.
Umiling-iling na ako dahil nag-aasaran na naman sila. Masarap daw kasi asarin si Lou. Minsan walang narerebat, minsan dudurugin ka din sa pang-babara. Pero ngayon ata yung time na wala siyang marebat kaya kapag ganun, nagiging clingy siya sa akin.
Kumapit siya sa braso ko at isinandal yun ulo niya sa balikat ko. Inilahad ko yung kamay ko na pinakakapitan niya at hinawakan niya naman yun.
"Ayan na naman sila. Nagsimula na naman." Sabi ni Lianne kaya napatingin kami sa kanya at nakitang nakatingin siya sa amin.
"Masarap nga kasi ang ampalaya, Lianne. Try mo." Nakangising sabi ni Phil.
"Kumakain ako nun, Phil. Pero yung sustansya non, diretso sa tyan ko. Ikaw kasi isinasapuso at isinasabuhay mo." Mataray na sabi ni Lianne kaya nagtawanan kaming lahat.
"Ibang ampalaya naman kasi yung tinutukoy ko. Ampalaya as in pait sa buhay. Try mo yun. It's addicting." Sagot ni Phil.
"Bakit kailangan ka-adik-an ang pait sa buhay kung pwede naman wag na lang maranasan?" Wala sa sariling tanong ni Sab.
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
Roman d'amourAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...