SC: Louielie's POV Part 2

33 3 1
                                    

A/N: Part 2 slash Paano magka-crush ang isang Louielie Aurora Ambrocio Tencio, future Mrs. Madrigal, slash buang side ni Lou babes 😂😂 enjoy reading y'all!
----

At first, I decided na after ng 3rd year ko, saka na kami uuwi ng Manila. Pero hindi 'yun nangyari. Dahil kahit February pa lang, umuwi na kami. Itinuloy ko na lang sa Manila 'yung pagho-homeschool. Again, because of Dad's connection, pumayag na naman 'yung Principal.

Naisip ko lang, dapat pala dati ko pa ginamit si Papa para hindi na ako i-bully ng mga ka-school mate ko sa Himalaya IS, 'no?

Kidding aside, okay na din 'yun na nangyari sa akin 'yun. At least I've learned my lesson. In a hard way nga lang.

Ever since na makalipat kami sa ibang bahay, sa East Gate Subdivision, wala na akong ginawa kundi magkulong sa studio para i-record 'yung mga kantang nagawa ko. In-uwi din namin yung lahat ng gamit namin doon sa probinsiya at 'yung mga gamit ni Mama sa recording.

Though gitara pa lang ang nagagamit ko no'ng first month, I pushed myself to use the other instruments to help myself be better and after 2 weeks of pushing, nagawa ko na. Kaya naman no'ng bakasyon, 'yun lang ang inatupag ko at ang pagtakas para lumabas ng bahay.

Ayaw ni Ate na palabasin ako ng hindi siya kasama dahil hindi ko pa kabisado 'yung lugar at baka maligaw ako. Pero dahil likas akong pasaway, pre-anxiety stage, ay hindi ko ginawa 'yun.

Tuwing gabi o kaya ay tuwing hapon ay palihim akong lumalabas ng bahay at lumilibot sa subdivision. Gusto kong makabisado ito para kahit papaano ay may alam ako dito sa lugar namin. Marami akong nakikitang interesting sa subdivision na 'to. Napag-alaman kong nahahati pala itong subdivision na ito sa limang phase, phase 1-5, at nakadepende sa laki ng lupa ang bawat phase. Sa phase 1 ay hindi ganun kalaki pero kasya na siguro ang 3 bedrooms sa 2nd floor at medyo malawak na bakuran. Sa phase 2 naman ay isa't kalahati ang laki 'yung lupa sa mga taga phase 1, based on my observation lang naman. Sa phase 3, which is doon kami nakatira, ay times 2 ang laki sa mga taga phase 1, 'yung tipong pwede ka na magpagawa ng swimming pool sa likod. Ang phase 4 at phase ay magkasing laki lang ng mga lupa, times 3 na mas malaki kesa sa phase 1.

Noong tapos ko nang libutin 'yung East Gate ay 'yung West Gate ang sinunod ko. Halos magkapareho lang naman sila ng East Gate kaya nagproceed kaagad ako sa North Gate. At doon ako pinaka napagod! Dahil ang laki ng mga bahay doon! Mga alta ang nakatira! Mahahalata mo naman na may kakayahan silang lahat sa buhay dahil customized lang ng design ng bahay.

Kaya naman, noong makauwi ako sa bahay ay sobrang pagod ako. Pero nawala 'yun no'ng makita ko 'yung nakataas na kilay ni Ate.

"Anong sabi ko?"

Napakagat ako sa labi ko dahil sa kaba. "Ah... Huwag aalis ng hindi ka kasama?"

"Anong ginawa mo?"

"Tumakas?"

"At bakit ka tumakas? Hindi ka man lang nagpaalam! Ni hindi mo dala yung phone mo kaya hindi ka matawagan. Akala namin ano nang nangyari sayo!" Sermon niya sa akin.

"Eh kasi... Baka hindi ka pumayag. Tsaka, yung phone ko kasi kanina, lowbat kaya hindi ko na nadala..." Napanguso ako pagkatapos kong magsalita.

"Hay nako! Louie! Nanggigigil ako sayo!" Kinurot ni Ate Kristal yung magkabila kong pisngi sa sobrang gigil niya.

"Aray!" Sigaw ko at tumingin kay Papa na nasa sala at nakamasid lang sa amin. "Pa! Help!"

Tumayo si Papa sa kinauupuan niya. Akala ko ay tutulungan niya ako pero nilagpasan niya lang kami. "That's your punishment, Princess. You made us worried. But I'm glad you're safe."

Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon