Chapter 67

50 3 6
                                    

"Welcome sa studio namin." Narinig kong sabi ni Jin kay Louielie nung makapasok kami.

Monday na ngayon at eto na yung simula ng araw ng kalbaryo ko, este, simula ng araw na makakatrabaho namin siya. Nagkita-kita kami sa lobby kanina para ma-tour siya. Ayoko sanang sumama pero nahatak ako ni Jay kanina sa parking lot nung nakarating ako kaya hindi na ako nakapalag.

Sa buong paglilibot na ginawa namin ay nasa likod lang ako at hindi nagsasalita. Wala naman akong sasabihin at ayoko din namin makipagkwetuhan. Yung apat ay kinakausap siya na parang casual lang. Paminsan minsan ay nakikipag biruan sila. Pinili ko na lang manahimik dahil kapag nagsalita ako ay kung ano lang ang masabi ko. Alam kong hindi magandang mga salita ang lalabas sa bibig ko ngayon.

Ngayon ay nandito na kami sa studio namin. Nandito na din si Sir Jake dahil siya pala ang magtitrain at mago-orient kay Louielie sa pasikot-sikot ng control room at live room.

Habang inoorient siya ni Sir Jake ay nandito lang kami sa sofa at nanonood sa kanila. Nakakarinig ako ng mga terms na tanging nag-aral lang ata ng Music Production ang makakaintindi. Hindi ko maintindihan yung sinasabi nila pero kahit ganun ay nakikinig ako.

"Hoy. Matunaw." Bulong sa akin ni Brian na siyang katabi ko. Agad kong iniwas yung tingin ko kay Louielie.

"Hindi naman siya kandila para matunaw." Sagot ko kaya humalakhak siya. Napatingin naman yung iba sa amin.

"Ang lame ng atake ah. Hindi na lang sabihin na in denial." Sabi ni Brian at tumawa ulit.

"Sino bang nagsabi na in denial ako? Kailan ko dineny na galit ako?" Walang emosyon kong sabi sa kanya kaya tumahimik siya at hindi na umimik. Pasimple na lang siyang nagkalikot sa phone niya.

Nang dumako ang tingin ko kila Jin, Phil at Jay ay nakatitig lang sila sa akin. Alam kong may gusto silang sabihin kaya inunahan ko na. "I'm okay. I'll try to be professional, right?"

Huminga sila ng malalim at hindi na umimik, maliban kay Jay. "I wonder what will happen for the next few days."

Akala ko walang papatol sa sinabi niya pero sinundan pa ni Jin.

"Should we expect war?" Natatawang sabi niya at napailing iling pa.

"Cold war." Sagot ni Phil.

"Just don't let me speak, then we're good." Sagot ko.

"Okay. As you wish, Kamahalan." Sabi ni Brian at bahagyang yumukod kaya sinamaan ko ng tingin.

"Ahm, guys."

Narinig naming sabi ni Sir Jake kaya napalingon kami sa kanya. Nakaupo sila pareho ni Louielie sa swivel chair dito sa studio.

"Pwede bang marinig yung natapos niyo nang i-record na kanta? Para alam ko kung saan ako magbi-base kapag ginawan ko na ng tunog yung iba." Sabi ni Louielie.

Agad namang tumayo si Jin at pumunta sa computer kung saan naka-save yung na-record namin.

"It's still not in an MP3 format, if ever na may ipabago ka pa. Pero may na-convert nang MP3 at yun ang ginagamit for the MV shoot." Sabi ni Jin habang hinahanap yung audio file.

"That's your title track?" Tanong ni Louielie.

"Yep."

"Edi hindi ko na babaguhin kung yun na pala yung title track niyo at may na-shoot na pala kayo sa MV. Nakakahiya sa prod staff ng MV niyo."

"That's what I was going to say." Natatawang sabi ni Sir Jake.

Dahil sa sinabi ni Louielie ay pare-pareho kaming parang nakahinga ng maluwag kaya kami tinawanan ni Sir Jake.

Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon