Chapter 14

70 3 0
                                    

"Sige po walang problema sa akin yun." pagpayag ko sa favor sa akin ni Tito Louis.

"Donnie?"

Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko at nakita kong si Maam Kris ang tumawag sa akin.

"Hi, Maam." sabi ko.

Ngumiti siya sa akin at humarap kay Tito Louis. "Bakit nandito kayo sa labas nag-uusap Pa? Bakit hindi kayo pumasok sa loob?"

"Okay lang. Aalis na din naman po ako kaagad." sagot ko.

"Ganun ba? Bakit ka nga pala nandito? Pasok ka muna." yaya niya sa akin.

"Hinatid ko lang po si Lou. Uuwi din naman po ako kaagad kasi wala pong tao sa bahay."

"Ah sayang naman."

"Next time na lang po, Maam." sabi ko at ngumiti sa kanya.

"Nako. Kahit huwag mo na akong tawagin na Maam sa labas ng school. Ate na lang." sabi niya at tinapik pa ako sa balikat.

Napangiti ako ng malapad dahil doon. I've always wanted to have an older sibling especially a sister pero hindi ako napagkalooban dahil kahit sa magpipinsan, ako ang panganay.

"Sige po, Ate." tumingin ako kay Tito Louis. "Uwi na po ako, Tito. Baka po magalit si Mommy kapag hindi ako naabutan sa bahay ng ganitong oras."

"Oh sige. Mag-iingat ka ah. Pakikamusta na lang ako sa mama mo at sabihin mo sa kanya yung pinapasabi ko. At saka salamat sa paghatid kay Louie."

Tumango ako ng nakangiti. "Sige po. Walang anuman."

Pagkarating ko sa bahay ay agad akong nagpalit ng damit at nagluto ng magiging hapunan namin ni Mommy. Panigurado ay pagod yun sa trabaho kaya naman mag-iinitiate ba akong magluto.

Habang naghihintay na maluto yung sinaing ay naalala ko bigla yung nangyari kanina.

Best friend ni Tito Louis si Mommy. Edi possible na kilala ni Tito si Daddy? Pero sabi ni Tito Louis ay matagal na silang hindi nagkakausap ni Mommy.

Maybe itatanong ko na lang mamaya kay Mommy pagkauwi niya.

Speaking of my beautiful mom.

Agad kong hinanap ang cellphone ko upang matawagan siya.

Wala pang tatlong ring ay sinagot niya na agad.

"I'm driving, Anak, why do you call? May kailangan ka ba?" malambing nyang tanong sa akin nang sagutin niya ang tawag.

"Itatanong ko lang po sana kung nasaan na kayo banda." sagot ko.

"Oh. I'm on my way na. 10 minutes na lang."

"Okay, Mom. Ingat po sa pagdadrive. Love you."

"Okay. Love you too." sabi niya at binaba ko na ang tawag.

Habang nagluluto ay nakarinig ako ng pagbukas ng pinto at narinig ko ang boses ni Mommy. "Anak, I'm home."

"Sa kitchen, Mom!" sigaw ko sa kanya.

Narinig ko namang naglakad siya papunta sa kung nasaan ako. Lumingon ako sa kanya nang marinig ko ang pagpasok niya sa kusina.

"Aba! Ang bango nyan ah! Adobo?" tanong niya sa akin nang makalapit siya at hinalikan ako sa noo.

"Yep. Eto lang naman po ang alam ko lutuin eh." sagot ko.

"Masarap ka naman mag-Adobo kaya ayos lang." sabi ni Mommy at tumawa.

"Nambubully ka na naman, Ma."

Lalong lumakas ang tawa niya. "Naiimagine ko lang kasi na kapag nakapag-asawa ka ay every Adobo ang ipapakain mo sa kanya."

Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon