Pagkababang pagkababa sa jeep ay halos lakad takbo ang ginawa ko papunta kila Lou. Habang naglalakad ay nakita kong nasa daan palabas ng subdivision yung kotse ni Daddy. Nakita kong nasa driver seat siya habang nasa passenger seat naman si Mommy. Bumusina sa akin si Daddy at hininto yung kotse kaya huminto din ako.
Ibinaba niya yung bintana sa side niya. "Saan ka? Pauwi ka na ba o may pupuntahan ka pa?" Tanong ni Daddy.
"Where's Louielie?" Tanong naman ni Mommy.
"Pupunta pa po ako kila Lou. She's sick." Sabi ko.
"Oh. Yayain ka sana namin na sumama." Sagot ni Daddy.
"Why? Saan po kayo pupunta?" Tanong ko.
"Magdi-date." Nakangising sabi ni Daddy kaya hinampas siya ni Mommy sa braso. Patawa tawa lang si Daddy sa ginawa niya.
"Maggo-grocery kami. Sama ka, Anak?" Tanong ni Mommy.
Umiling ako. "Hindi na po. Gagawin niyo lang akong third wheel niyo."
Dahil sa sinabi ko ay tumawa sila kaya napanguso ako. "Lagi niyo na lang ako binubully."
"You never fail to make us laugh." Sabi ni Daddy nung mahimasmasan siya. "Anyway, sige okay lang. Just go home before dinner, okay?"
"Opo. Ingat kayo." Kumaway ako sa kanila at nagsimula nang umandar yung sasakyan nila habang ako naman ay balik sa lakad-takbo papunta kila Lou.
Kanina bago ako lumabas ng room ay tinanong ko si Tito Louis kung kamusta si Lou, sabi niya natutulog na daw kaso hindi pa din bumababa yung lagnat kaya nagmamadali ako dahil nag-aalala ako. Though I know that Tito Louis would take care of her but I still want to see her. Noong huli kong balita na nagkasakit siya ay nung pasukan and that was months ago.
Nang makarating ako sa kanila ay agad akong nagdoorbell. Si Tito Louis yung nagbukas ng gate para sa akin.
"How is she, Tito?" Tanong ko habang naglalakad kami papasok ng bahay.
"Mataas pa din ang lagnat eh. Pero kakainom niya lang ng gamot kaya baga bumaba yung lagnat niya maya-maya." Sagot ni Tito.
"Okay po. I'll just check her, Tito." Sabi ko nung makarating kami sa may hagdan.
Tumango siy sa akin. "Just leave the door open. I trust you but I don't trust the surroundings." Sabi niya at tinignan ako sa mata.
Napangiti ako sa sinabi niya at tumango. "Sure, Tito."
I clearly understand why he wants to leave the door open. Kahit alam kong may tiwala siya sa akin, hindi pa din maiiwasan na baka matukso kami. Alam kong yun yung ibig sabihin ni Tito.
Nang makarating ako sa kwarto niya ay dahan-dahan kong binuksan yun. Nakita ko siyang patagilid na nakahiga sa kama at nakakunot yung noo.
Inilapag ko yung bag ko sa sofa sa kwarto niya at mabilis ngunit tahimik na naglakad papunta sa kanya. Umupo ako gilid ng kama niya at kinapa yung noo niya. Sobrang init niya pa din.
Patuloy kong hinaplos yung noo niya hanggang sa mawala yung pagkakunot nun at para mas naging payapa yung itsura niya. Siguro ay may masakit sa kanya at nararamdaman niya yun kahit tulog.
Napangiti ako sa itsura niya. Okay lang sana kung natutulog lang siya at walang dinadamdam eh. Pero may sakit siya at mataas pa din ngayon yung lagnat niya.
Huminga ako ng malalim. Hinaplos ko yung buhok niya, na humahaba na ulit. "My love, please get well soon. I'm worried."
Ilang minuto ang lumipas na hinahaplos ko lang ng marahan yung buhok niya at paminsan minsan ay hinahalikan sa noo nang onti onti siyang dumilat. Sinalubong ko naman agad siya ng ngiti.
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
RomanceAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...