Ilang minuto na simula nung umalis ako sa bahay nila Lou. Matapos kong mabasa yung sulat niya para sa akin, nanatili muna ako sa kwarto niya ng halos isang oras para pakalmahin yung sarili ko at para patinuin yung pag-iisip ko. Bigla akong hindi nakapag-isip ng matino at ang tangi ko lang nagawa ay umiyak nang umiyak. Hindi ko na nga naramdaman na umalis muna si Ate Kris sa kwarto para iwanan ako at mapag-isa. Ilang salita lang yun pero halos gumuho yung mundo ko nung mabasa ko yun.
Hindi ko maisip. Hindi ko maintindihan. Nalilito pa din ako. Anong nangyari? Bakit siya nakipaghiwalay sa akin? Bakit umalis siya? Bakit niya ako iniwan?
Ayoko maniwala. Ayokong paniwalaan yung sinasabi niya sa sulat na makikipaghiwalay siya sa akin.
Matapos ng halos isang oras na pananatili ko sa kwarto ni Lou ay hindi ko na kayang magstay dun dahil para akong mababaliw sa pag-aalala kung nasaan ba siya at sobrang pagkamiss sa kanya. Marami akong naaalala sa kwartong yun. Baka mamatay ako sa sakit ng damdamin. Kaya naman pinilit ko yung sarili kong kumilos kahit sa bawat galaw ko ay nararamdaman kong sobrang sakit na damdamin ko. Bawat segundong lumilipas na nandun ako ay dumadagdag lang yun sa sakit ng puso ko. Pinilit kong maglakad paalis sa lugar na yun. Inipon ko yung lakas ko para makalayo.
Naabutan ko si Ate Kris kasama si Kuya Red. Pareho silang napatayo nang makita akong pababa ng hagdan, dala yung kahon na pinapabigay sa akin ni Lou.
"Donnie.." naiiyak na sabi ni Ate Kris sa akin.
Pinilit kong ngumiti para makita nilang okay ako pero lalo atang akong nakaramdam ng sakit. "Uwi na p-po ako, Ate." Medyo garalgal yung boses ko dahil sa pag-iyak.
"Hatid na kita. Baka ano pang mangyari sayo." Sabi ni Kuya Red.
Tinignan ko sila pareho. Kita ko sa mukha nila na nag-aalala sila sa akin and at the same time, naaawa.
Ayoko nun.
Biglang nanginig yung labi ko nung maalala ko yung isang taong kailanman ay hindi ko nakakitaan ng awa kapag tinitignan ko.
Kinagat ko yung pang-ibabang labi ko at umiling. "Huwag na po. O-okay lang ako."
"Sigurado ka ba?" Tanong ni Ate Kris.
Napatawa ako ng mahina at napayuko. "Wala naman po akong choice." Sabi ko at nag-angat ng tingin sa kanila. "Sige po. Alis na ako."
Tumalikod na ako sa kanila at naglakad paalis. Wala sa sariling naglakad ako palayo sa bahay nila. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng paa ko, pero saka ko lang narealize kung nasaan ako kung kailan nakaupo na ako.
Nandito ako ngayon sa playground sa subdivision, kung saan kami madalas mag-usap. Naka-upo sa bench at mag-isa.
Nakatulala lang ako dito habang inaalala yung pinagsamahan namin. Hindi ko lubos maisip na magagawa niya yun sa akin. Hindi ko alam na kaya niya pala akong iwan ng ganun lang. Hindi niya sinabi yung dahilan. Wala akong maisip na dahilan.
Maraming pumapasok sa isip ko na rason ng pag-iwan niya sa akin. Pero hindi lahat tumutugma dahil isip ko na din mismo ang nagrereject ng mga idea na naiisip ko.
Inilapag ko muna tabi ko yung box, kung saan laging nakapwesto si Lou kapag nandito kami. Dahil sa mga ala-alang naisip ko ay hindi na naman nagpa-awat yung pesteng mga luha ko. Hinayaan ko lang na tumulo ng tumulo yun. Kahit ngayon lang, kahit ngayong araw lang. Hahayaan ko muna yung sarili kong umiyak ng umiyak.
Itinukod ko yung siko ko sa mga tuhod ko at napayuko. Napasabunot ako sa sarili kong buhok dahil sumasakit yung ulo ko sa kakaisip. Para akong mababaliw.
Magmula sa pag-iyak ng tahimik ay may kumawalang hagulgol sa mga labi ko hanggang sa lumakas ng lumakas yon. Hindi ko kaya. Hindi ko kaya yung sakit na to. Mas masakit pa to sa pag-abanduna sa amin ni Daddy dati. Mas masakit pa to sa nalaman kong nadepress si Mommy. Mas masakit pa to sa mga naranasan ko dati. Dahil alam kong yung sakit na to ay dadalhin ko habang buhay.
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
RomanceAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...