Today is our rest day. Wala kaming kahit anong schedule at pahinga din muna kami sa pagpapractice para sa concert dahil 3 weeks na lang ay concert na. Binigyan kami ng 3 days na rest day.
Ngayon yung huling araw ng rest day namin at nandito lang ako sa bahay, nagbabantay ng batang makulit. Parehong wala si Mommy at Daddy dahil meron silang college reunion sa isang hotel. Kaninang umaga pa yun and they said that it's not whole day kaya baka maya-maya ay umuwi na sila.
Nandito kami ngayon ni Julia sa sala. Nanonood siya ng Doc Mcstuffins sa TV habang naglalaro sa center table ng mga animal figures niya at parang nagmistulang jungle ang buong sala, nadamay pa ako na nakaupo lang dito sa sofa habang nagi-scroll sa phone. Nilapag niya sa hita ko yung lion at tiger niya para daw nasa tuktok ng ibang animals kasi yun daw ang mas powerful na animals.
Ipakita ko kaya sa kanya kung sino yung mas powerful sa lahat ng animals niya? Guluhin ko kaya yung ayos ng nilalaro niya? Paiyakin ko lang. Bored ako eh.
Pero hinayaan ko na, at least hindi nagkukulit. Nakakapagod pa naman kalaro to.
Scroll lang ako ng scroll sa IG noong maisipan kong magpost. Kinuhanan ko ng picture yung mga lion at tiger sa hita ko at ang background nun ay si Julia.
d.madrigal: eto daw yung most powerful animals sabi niya kaya nasa tuktok, ipakita ko kaya kung sinong mas powerful? Sirain ko kaya 😜?
Wala pang limang minuto nung nagpost ako ay umabot na kaagad yun ng 9k likes. Marami ding nagcomment na mga fans at kakilala ko.
tinyrhiz: omyyy! Nasa feed ko na naman si Julianna!
ms.fedoc: cutie ni Juliaaaa
patipatypat: ang kyuuuut puro animals yung toooys!
Puro comment about kay Julia yung nababasa ko galing sa fans kaya yung mga comments naman ng mga kaibigan ko yung binasa ko.
jinoguerrero: ayaw kong maging kuya to. Ang bully
brianciro: yare ka kay Madam Baby! Isusumbong ka nyan kay @latencio
Kj.barrameda: ay gusto ko yan! Guluhin natin si Madam Baby 😂
phil.d: ikaw yung most powerful. Animal ka.
latencio: ayaw kong maging kuya to. Ang bully (2)
Kj.barrameda: anong gusto mo @latencio? Maging baby niya?
Nanlaki yung mata ko sa comment ni Jay at hindi ko maiwasang matawa ng malakas kaya napatingin sa akin si Julia.
"Why are you laughing, Kuya?" Tanong niya.
Umiling ako habang tumatawa pa din. "Nothing. Laro ka lang dyan."
Hindi niya na ako pinansin at bumalik na ulit sa paglalaro. Habang ako naman ay bumalik doon sa post ko. Nakita kong nagcomment si Louielie at Lianne.
latencio: pasalamat ka celebrity ka 😐😒
li.li.: Kaizer Jay.
Nagreply ako sa comment ni Jay habang nakangisi.
d.madrigal: pwede naman 😂 kaso ayaw niyang magpatawag ng baby 😗
Noong nireply ko yun ay maraming nagreact na fans at nagreply din yung tropa at yung iba kong kakilala.
Kj.barrameda: gagi!
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
RomanceAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...
