Onti onti kong idinilat ang mata ko nang maramdaman ko ang sinag ng araw na tumatama sa mukha ko na nanggagaling sa bintana ng kwarto ko. Nag-unat muna ako ng mga braso ko bago bumangon sa pagkakahiga. Onti onti akong napangiti nung maalala ko yung nangyari kagabi. Pero kailangan kong kontrlin yung sarili ko mula ngayon. Dahil baka kapag lagi naming gagawin yun, baka kung saan pa kami mapunta.
Kamusta na kaya si Lou? Tulog pa kaya siya?
Inabot ko yung phone ko at tinignan kung may message ba siya sa akin. Wala pa akong narereceive, baka tulog pa. Kaya naman ay nagtext na lang ako.
To: My Lou
Good morning, My Love! I love you! Punta ako dyan sa inyo. See you later!
Nang masend ko yung message ay tinignan ko yung oras. Malapit na pala mag-alas dose. Masyado kong nasulit yung bakasyon ah.
Umalis na ako sa kama at pumunta sa banyo para maligo. Nang matapos ako ay agad akong lumabas ng kwarto at bumaba papuntang kusina dahil nagugutom na din ako. Naabutan ko si Mommy at Daddy na nasa sala.
"Hi, Mom. Hi, Dad!" Bati ko sa kanila kaya napalingon sila sa akin.
"Oh. Maaga ka pa para sa tanghalian." Natatawang sabi ni Daddy.
"Napasarap ang tulog eh."
"Alright. Let's eat." Tumayo si Daddy sa pagkakaupo sa sofa at inalalayan si Mommy na tumayo.
Sabay-sabay kaming pumunta sa dining at kumain na habang nag-uusap usap.
"May lakad ka ngayon, Donnie?" Tanong sa akin ni Daddy.
"Hmm. Wala naman po. Pero baka pumunta ako kila Lou mamayang hapon." Sagot ko.
"Ah. Okay. Kailan ang release ng result sa entrance exam mo?" Tanong niya ulit.
"Within this week po. Baka po pumunta kami bukas para tignan yung result."
"You need cash?" Alok sa akin ni Daddy.
Agad akong umiling. "No, thanks, Dad. May pera pa ako. I'll just bring my debit card in case of emergency."
"Much better." Sabi ni Daddy at bumalik na sa pagkain.
Napapansin kong hindi masyadong nagsasalita si Mommy ngayon kaya tinanong ko siya.
"Mom, are you okay?"
Tumingin siya sa akin at pilit na ngumiti. "I'm fine, Baby. Medyo hindi lang maganda gising ko kanina."
"Why?"
"Hindi kasi agad nakatulog ang Mommy mo kakahintay sayo. I already told her about what is happening to you. Hindi pa din siya panatag." Sagot ni Daddy at hinawi buhok ni Mommy at inilagay yun sa likod ng tenga niya.
"I'm sorry, Mommy." Napangiwi ako dahil ako pala ang may kasalanan kung bakit hindi okay ngayon si Mommy. "I promise I will not make you worry again."
Nginitian ako ni Mommy at umiling naman siya. "No, it's okay. Kasalanan ko din naman eh. Hindi ako nakinig sa Daddy mo."
Matapos namin kumain ay ako na ang nagligpit sa kinainan namin at naglinis sa kusina. Nang matapos ako sa paglilinis ay lumabas na ako ng kusina. Nakita kong pa-akyat si Mommy at Daddy sa hagdan. Buhat buhat siya ni Daddy.
"What happened, Dad?" Tanong ko.
"You're Mom's not feeling well. She needs to rest." Sagot ni Daddy.
Nakita kong nakapikit si Mommy habang nakayakap sa leeg ni Daddy.
"Do you need me here, Dad? Ititext ko na lang si Lou na hindi muna ako pupunta sa kanya ngayon." Agad kong sabi.
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
RomanceAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...
