Dumating yung araw na pinakahihintay namin, ang araw ng concert namin.
Alas-sais ng hapon ang simula ng concert pero umaga pa lang ay nandito na kami sa venue para sa final rehearsals namin para mamaya. Wala na naman kailangan i-polish sa performance namin, ang mga kailangan na lang ayusin ay yung technicals at yung stage design.
Bago yung selling ng tickets ng concert ay binigyan na kami ng extrang tickets para sa family members namin na gustong manood. Binigyan kami ng tig-lima at lahat yun ay sa VIP. Binigay ko kay Mommy, Daddy at Julia yung tatlong ticket. Pwede naman ang bata dahil sa VIP naman sila at hindi yun maiipit. Yung dalawang extra ay binigay ko kay Rhythm at Alexandrei. Nabalitaan ko kasing hindi pala sila nakabili dahil hindi sila nakahabol sa selling sa dahilang mabilis ngang na-sold out yun. Bibigyan ko sana si Ada kaso nalaman kong nakabili pala siya pero malayo sa seat nung tickets na ibibigay ko sana.
Nakaupo ako dito sa may upuan sa harap ng stage habang nagpapahinga kami. Nakamasid lang ako sa mga taong kumikilos at nag-aayos ng stage.
"The cue for the lift would be the intro of La La. Tama ba, Louielie?" Narinig kong sabi sa mic nung director namin.
"Nope, sa drums solo palang, dapat umaangat na isa-isa yung lift." Sagot ni Louielie sa mic din pero hindi ko alam kung nasaan siya. Marahil ay nag-aasikaso sa control room.
Huminga ako ng malalim habang pinapakinggan yung boses niya habang nakikipag-usap sa production director namin. Wala pa din nagbago sa epekto sa akin nung boses niya. Kahit galit ako ay ganun pa din.
Para akong tanga na sinabing ayoko na sa kanya pero heto pa din ako at nagiging kalmado dahil nandito siya at naririnig ko.
Matapos nung araw na nagkaroon kami ng confrontation at nasabi ko lahat sa kanya ng damdamin ko ay hindi na kami nag-usap ulit, kahit magtinginan ay wala nang nangyaring ganun. Kahit sa pag-uusap sa trabaho ay hindi na namin ginawa. Lahat ng gusto namin sabihin tungkol sa trabaho ay pinapadaan namin kay Jin. Mabuti nga ay hindi pa siya nababadtrip eh. Sinabi niya sa akin na naiintindihan niya naman kung bakit hindi ko kayang makipag-usap kaya ayos lang sa kanya. Naga-update din sa akin si Lianne tungkol kay Louielie dahil sila ang magkasama pero hindi ko masyadong pinapansin.
"Marahuyo, soundcheck tayo, then after that, pwede na kayo magpahinga at mag-asikaso." Sabi ni Louielie kaya tumayo na kami. Nahuli akong tumayo dahil kinuha ko pa yung drumstick ko sa gilid.
Inayos ko yung IEM ko sa tenga ko at in-on yung monitor box na nakasabit sa likod ng pantalon ko habang naglalakad papuntang stage. Umakyat kami sa stage at nagkanya-kanyang punta sa instruments namin. Nung makarating ako ay chineck ko yung buong drumset.
"Can you hear me?" Narinig kong tanong ni Louielie sa in-ear na suot ko.
Sumagot yung iba habang ako naman ay nag-thumbs up lang. Matapos magsound check ay nagkaroon lang ng onting adjustments sa volume but overall, wala na namang major corrections kaya hinayaan na kaming mag-ayos.
Masyadong busy yung paligid habang nakastandby kami. Halos lahat ay aligaga dahil malapit na ang oras ng concert. Alas-kwatro na ng hapon ay nandito kami sa dressing room at naghahanda na din ng isusuot namin. Nauna na akong matapos at naayusan na din kaya nakaupo na ako dito sa gilid.
Ilang sandali pa ay natapos na din yung iba kaya nandito na lang kami lahat sa waiting room at nagkukwentuhan bilang pampatanggal na din ng kaba. Ilang minuto ang lumipas at nakita kong may pumasok na crew sa loob.
"Jin, your parents are here." Sabi niya kasunod ng pagpasok nung mga magulang ni Jin. Masaya silang sinalubong ni Jin at niyakap.
Dahil close namin ang parents nila ay lumapit din kami at bumati. Kinamusta nila kami lahat dahil matagal na din simula nung makita nila kami.
![](https://img.wattpad.com/cover/233566951-288-k14046.jpg)
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
Roman d'amourAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...