Chapter 90

61 7 9
                                    

Ate Louielie, please be in a relationship with Kuya Dondon again. I want you to be happy!

From your cute baby sister Julia

Yan yung nakalagay sa sinulat ni Julia na binigay ko kay Louielie. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o mata-touch ako dahil kahit sa murang edad ni Julia, gusto niya kaagad na maging masaya yung tao sa paligid niya. Usually, kids at her age only focuses on their own. It only shows how selfless Julia would be when she grow up. I really hope that she will have someone to show that selflessness of her, though.

May idinagdag ako doon sa sulat na binigay ko kay Louielie. Yun ang una kong hakbang para makausap ko siya ulit ng masinsinan.

I know it's lame but I want to make it unique para hindi niya malimutan. May pagkakataon na nako-corny-han ako kapag naiisip ko yung gagawin ko. But just like what I'm always saying, I mostly treasure small and simple things, same as Louielie. And this simple act that I'm going to do, sana magustuhan niya.

Medyo kinakabahan talaga ako sa gagawin kong to. It's been years since I did some kind of this act, kay Louielie ko din ginawa yon, noong umamin ako sa kanya at nung binigyan ko siya ng singsing. At ngayon, I'll do it with the same person. Sana maging successful.

Go to the rooftop of Kingston Building at 8am, before you proceed to the studio. Let's talk.

I told her to come here at the rooftop at 8am, pero 7am pa lang ay nandito na ako dahil hinahanda ko yung mga sasabihin ko sa kanya. Planado ko na lahat ng sasabihin ko pero pakiramdam ko hindi ko pa din alam kung anong uunahin.

Pero isa lang naman ang main goal ko, makikipagbalikan ako.

Bakit ko pa ba papatagalin? Bakit ko pa ba ide-delay? Eh sa simula't sapul, yun naman talaga ang gusto ko. Natatakot ako pero gusto kong magkabalikan kami. Siya pa din ang gusto ko, siya pa din ang mahal ko.

Tatanga-tanga lang talaga ako nung mga nakaraan at padalos-dalos. Masyadong nagpapadala sa galit at sakit sa damdamin ko. Sariling paghihirap ko lang ang inintindi ko. Kung tutuusin ay mas matindi yung pinagdaanan niya. Hindi ko ma-imagine yung paghihirap niya at takot niyang mabulag tapos dinagdagan ko pa yung bigat niya. Ilang beses ko ding palihim na binabatukan yung sarili ko kapag naaalala ko yun.

Tinignan ko yung relo ko at nakita kong 8:05 na. Siguro, anytime now ay dadating na si Louielie, kung pupunta siya at kung gusto niya kaming mag-usap. Pero I'm positive, pupunta siya.

Sana.

Lumipas ang ilang minuto at may narinig akong nagbukas ng pinto ng rooftop kaya kaagad akong pumunta sa likod ng pinto na alam kong hindi niya makikita, blind spot yung pinuwestuhan ko at duda ako kung mapansin niya ako dito ngayon.

Nagbukas yung pinto at sumara yon. Napangiti ako noong nakita ko si Louielie. Ibig sabihin, may interest pa din siyang makipag-usap sa akin.

Nakita kong nililibot niya yung paningin niya sa paligid ng rooftop na parang may hinahanap.

"Hala. Late na nga ako ng ilang minuto, tapos late din siya." Bulong niya at naglakad papuntang railings ng rooftop. Tinanaw niya yung paligid at at huminga ng malalim, nilalanghap niya ang hangin sa umaga.

Nakangiti ako habang pinagmamasdan siya mula sa pwesto ko. Kahit nakatalikod siya sa akin, alam kong nakangiti siya dahil gustong gusto niya yung ganitong lugar. Yung matataas, tapos may natatanaw siya sa baba.

Noong nakita kong kinuha niya yung cellphone niya, siguro ay ititext ako, ay mabilis ngunit tahimik akong lumapit sa kanya at pumunta sa likod niya. Agad kong pinulupot yung mga braso ko sa kanya.

Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon