Chapter 93

66 6 4
                                        

Bakit ang bilis? Magkasama lang kami kahapon. Nakakakita pa siya. Nakikita niya pang masaya ako. Bakit naman biglang nawalan na siya ng panigin ngayon.

Dali-dali akong bumaba sa hagdan noong matapos akong maligo at magbihis. Nakasalubong ko sa sala si Daddy.

"Oh? Bakit nagmamadali ka? Saan ka pupunta?"

"Pupuntahan ko po si Louielue. Kailangan niya ako."

"Why? What happened to her?" Nakita kong nag-alala na din si Daddy dahil sa itsura kong aligaga na.

"She lost her vision, Dad."

"Who lost her vision?" Singit ni Mommy sa usapan namin na kakadating lang.

"Si Louielie, Mom. Tumawag sa akin si Tito Louis ngayon."

Nanlaki yung mata niya at bumadya din ang pag-aalala. "Oh my. Go! Puntahan mo na siya. Baka kailangan ka niya dun."

Tumango ako at nagpaalam na sa kanila. Dumiretso ako sa kotse ko at kaagad na pinaandar yun papunta sa bahay nila Louielie. Ilang beses din akong muntik ma-aksidente sa kakamadali pero hindi ko na inintindi yun. Gusto ko nang makapunta kay Louielie dahil nag-aalala ako sa kanya.

Nang makarating ako sa East Gate ay mas binilisan ko pa ang pagmamaneho at wala pang limang minuto ay agad akong nakarating sa bahay nila. Hindi ko na na-park ng maayos yung kotse ko at kaagad ng lumabas. Habol ko ang hininga ko sa pagod at kaba sa kakatakbo mula pa kanina habang pinipindot yung doorbell nila.

Si Manang Celis ang nagbukas nun at kaagad niya ako iginiya sa kwarto nu Louielie kung saan nandun din ngayon si Tito Louis.

Pagkabukas pa lang ng pinto ay parang nilamutak yung puso ko nung makita kong nakayakap siya kay Tito Louis at iyak ng iyak. Hanggang dito sa kinalalagyan ko ay rinig na rinig ko yung hagulgol niya.

"Nandyan na si Donnie, Anak." Malambing na sabi ni Tito Louis kay Louielie.

Nag-angat ng tingin si Louielie. Napansin kong parang nakatingin lang siya sa kawalan. "Nasaan, Pa?"

Kaagad akong lumapit sa kanya. Umalis si Tito Louis sa pagkakaupo sa kama at ako naman ang pumalit. "Lou... I'm here." Hinawakan ko yung kamay niya at yung mukha niya.

"Don..." Hinawakan niya yung kamay ko na nakahawak sa mukha niya at lalo pang umiyak kaya kaagad ko siyang niyakap para patahanin pero lalo lang lumakas yung hagulgol niya.

"Ssh... I'm here... Calm down. Nandito na ako."

"Wala na... Wala na akong makita..." Sabi niya sa pagitan ng iyak niya.

"We're going to do something about it, okay? Just calm down for now. Gagawa tayo ng paraan." Sabi ko sa kanya at hinalikan siya sa noo.

Nakasubsob yung mukha niya sa dibdib ko habang nakayakap sa akin ng mahigpit at umiiyak. Hinahagod ko yung likod niya para kumalma siya at paminsan-minsan ay hinahalikan yung ulo niya.

Nasasaktan ako na nakikita ko siyang ganito. Maybe her disease is not fatal, but it can affect the psychological aspect of a person who has this disease. Dahil kung hindi gagawan ng paraan ay pang habang buhay na silang mabubulag. Kaya hangga't maaari ay ayokong iwan si Louielie ngayon. Gusto kong maiparamdam sa kanyang nandito ako at hindi ko siya iiwan sa ganitong pagkakataon sa buhay niya.

"Lalabas muna ako. I'll just call her doctor about what happened now." Paalam sa amin ni Tito Louis.

"Okay po. Ako na po muna bahala kay Louielie." Sagot ko at naramdaman kong humigpit yung yakap sa akin ni Louielie.

"Okay. Thank you, Donnie." Nakangiting sabi sa akin ni Tito Louis. Lumapit siya kay Louielie at hinalikan siya sa ulo. "Babalik ako, Anak." Tango lang ang itinugon ni Louielie. Hinaplos niya pa ng isang beses yung buhok ni Louielie bago lumabas ng kwarto.

Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon