Minsan talaga, hindi ko maisip na may mga bagay na bigla na lang magbabago eh. Yung mga bagay na akala mo, hindi darating sa buhay mo. May mga bagay na hindi mo akalaing mangyayari sayo.
Talagang hindi natin alam ang mangyayari sa mga susunod na araw, kaya dapat talaga, make the most out of it.
Kagaya ngayon, hindi ko alam na dadating sa buhay ko na pareho kami ng best friend ko ng magiging sitwasyon. Pareho kaming hindi masyadong nakakapag interact sa babae, pero ngayon, tignan mo nga naman ang kasama namin pareho ngayon papasok ng school.
Nang makababa kami ng jeep kanina ni Lou ay sakto namang baba din ni Phil sa sasakyan nila kanina. Akala ko mag-isa lang siya, pero kasama niya pala si Melody.
Sabay sabay na kaming pumasok at ngayon ay pinagtitinginan kami. Dahil siguro ay nagtataka yung iba naming school mates sa maraming dahilan.
Una, si Phil may kasamang babae. Pangalawa, pareho kaming may kasamang babae. At pangatlo, kasama namin si Melody. She's kind of famous here.
Ang buong school ay nagpapahalaga ng manners ng bawat estudyante kaya disiplinado kami lang dito. But not Melody.
She's usually not wearing her uniform properly. Instead of black shoes for girls, naka-rubber shoes siya. Yung skirt niya, mas maiksi kunpara sa normal na palda. Nakabukas din yung blouse niya at kita yung t-shirt jiya sa loob. Yes. T-shirt. Dapat din ay may neck tie siya pero hindi niya isinusuot. Nasanay na lang yung mga guards at teachers sa kanya kaya naman hindi na siya pinagsasabihan dahil hindi naman siya sumusunod.
But surprisingly, she's getting along with Phil well. Paano yun?
"Ahm, ikaw si Melody diba?" Tanong ni Lou.
"Kung bingi ka at hindi mo narinig yung pakilala ni Phil kanina, oo ako nga si Melody." Walang paki na sabi niya.
Napalingon naman ako sa sarkasmo sa pananalita niya. Kung ganito ako kakausapin ni Ada, napitik ko na yung bibig niya. Mabuti na lang ay hindi ko kapatid to o pinsan.
Nakita ko napa-face palm si Phil sa narinig. Ngayon alam ko na kung bakit stress na stress to. Grabe pala kausap tong babaeng to. Hindi pa kami nagkakaroon ng interaction na dalawa dahil wala namang dahilan. Pero pareho naman naming kilala ang isa't isa. Sa pangalan nga lang.
Para namang hindi naapektuhan si Lou sa tono ni Melody kaya masigla pa din siyang nakipagkilala. "Ako si Lou. Kaibigan ni Phil."
"Alam ko." Sagot ni Melody.
"Anong section ka?"
"C."
"Bakit?"
Napahinto sa paglalakad si Melody kaya nadamay kaming tatlo.
"Bakit ang daldal mo?"
"Hindi ah. Maganda lang ako. Hindi ako madaldal." Inosenteng sagot ni Lou. Gusto kong matawa sa sagot niya pero pinigilan ko.
"Mas maganda ako sayo." Sabi ni Melody.
"Oo nga. Kaya huwag ka nang magsungit. Mawawala ganda mo, sige ka."
Hindi inaasahan ni Melody ang sagot niya kaya napatitig lang ito kay Lou ngunit kalaunan ay nagpatuloy na sa paglalakad. Agad naman nami siyang sinundan.
Una muna naming hinatid si Melody sa room niya dahil mauuna naming madaanan yun bago makarating sa room.
Lumingon siya sa amin at tumingin kay Phil.
"Thank you sa paghatid. See you later." Tipid siyang nakangiti kay Phil na tinanguan lang siya. Saka lang kami umalis nang makapasok na si Melody sa room nila.
BINABASA MO ANG
Blinded By The Past (Marahuyo Series 1)
RomanceAng nakaraan ay nakaraan na. Hindi na maibabalik pa. Hindi na mababago pa. Ang nakaraan ay pwedeng makasira o makabuo sa atin bilang tao. Maaring nawasak tayo nito at tuluyan nating sinira ang pagkatao natin o ginamit natin itong motibasyon upang bu...